Responsive Ad

Madam Kilay nanganganib makasuhan matapos manood ng ‘2 Valid IDs’, anyare?

MUKHANG nanganganib ngayon na maharap sa kasong Anti-Camcording Act ang social media personality na si Madam Kilay matapos ang kanyang pag-post tungkol sa Cinemalaya 2026 film na “2 Valid IDs”.

Sa isang Facebook post kasi ay pinuri ng vlogger ang naturang pelikula dahil sa ganda nito.

Kalakip ng kangang post ay isang video na kuha sa loob ng sinehan habang ipinapalabas ang “2 Valid IDs” na pinagbibidahan nina Pokwang, Zaijian Jaranilla, Joey Marquez, at Meryll Soriano.

“2 VALID ID Movie 😭 Grabe ang husay ni Mama @Pokwang dito lahat makkarelate!!” saad niya sa caption.

Baka Bet MoMadam Kilay pinayuhan ang kapwa vloggers na nagpo-promote ng sugal: Be a good influencer to everyone

Bagamat maganda ang intensyon ni Madam Kilay upang ipakita kung gaano kaganda ang pelikula, mukhang sasablay pa ito.

Agad ngang nag-trending ang naturang post ng vlogger at marami ang nag-call out sa kanya sa paglabag ng Anti-Camcording Act og 2010.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10088, o ang Anti-Camcording Act of 2010, ilegal ang paggamit o pagtatangkang gumamit ng audiovisual recording device upang mag-record o mag-transmit ng isang pelikula—o anumang bahagi nito—sa loob ng sinehan o iba pang pasilidad na pinagdarausan ng pagpapalabas nang walang pahintulot mula sa may-ari ng copyright o exclusive licensee.

Kaya naman umani ito ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens dahil sa banta ng nalabag na batas ni Madam Kilay.

Saklaw rin kasi ng batas ang mga device na may kakayahang mag-record ng audiovisual material, kabilang ang mga smartphone.

Delikado si Madam Kilay dahil nakasaad sa batas na hindi depensa ang pagsasagawa ng recording para sa pribado o pangsariling gamit. 

Hindi rin maituturing na depensa ang pag-angkin ng fair use. Ibig sabihin, kahit ang footage ay ginawa lamang para i-post sa social media, maaari pa rin itong saklawin ng pagbabawal kung ito ay na-record nang walang pahintulot.

Ang mga mapapatunayang lumabag sa RA 10088 ay maaaring pagmultahin ng ₱50,000 hanggang ₱750,000 at makulong nang anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon at isang araw.

Hindi pa malinaw kung nagkaroon ng pahintulot si Madam Kilay na i-record ang footage o kung magsasagawa ng aksiyon ang mga awtoridad. 

Gayunman, kung walang pahintulot, ang pag-record kahit ng bahagi lamang ng isang pelikula habang ito ay ipinapalabas sa isang sinehan ay maaaring ituring na paglabag sa RA 10088.

Wala pa namang inilalabas na pahayag si Madam Kilay hinggil sa isyu.

The post Madam Kilay nanganganib makasuhan matapos manood ng ‘2 Valid IDs’, anyare? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments