Cherry Pie Picache napapagod nang mag-isa, naghahanap ng ‘the one’

HALOS tatlong taon nang hiwalay sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano pero ngayon lang nakwento ng aktres ang dahilan sa “Unplugged” vlog ni Julius Babao na mapapanood sa YouTube channel.
Binibiro ni Julius kung nanalangin na si Cherry Pie na sana bigyan siya ng partner ngayon dahil matagal na rin na wala siyang kasama.
Tawa naman ng tawa ang aktres, “Lumabas naman na ito, e, ‘di ba sabi ko dati ‘yung kay Edu answered prayer? Kasi ano pang hahanapin mo, ang gwapo, matipuno, maayos, edukado, napakabait na tao sabi ko nga answered prayer but I think God has other plans.”
“Hayan na naman si God nakialam na naman sa buhay mo, okay?” tumatawang sabi ni Julius kay Pie.
Baka Bet Mo: Cherry Pie Picache nakita uli si Edu after 2 years: OK naman, wala kaming away
“Kaya sabi ko (ngayon), ‘God pwedeng take 2?” tawa pa rin ng tawang tsika ng aktres.
“Bakit, sabi mo ideal guy, answered prayer, what happened, bakit naging ganu’n?” tanong ng host kay Cherry Pie.
“Hindi siguro meant,” kaswal na sagot ng Kapamilya actress.
“Pero ngayon, honestly I don’t really pray for a partner hindi siya talaga priority pero ngayon medyo na nasisingit-singit ko (tawa pa rin ng tawa) ‘yung ‘Lord medyo napapagod na akong mag-isa ha, ha, ha,” kwento ni Cherry Pie.
Inaming may ilang nanliligaw daw ngayon sa aktres at dahil sa edad niyang 56 ay may specific o preferences na rin ang guys at maging siya rin kaya tanong tuloy ni Julius kung ano ang hinahanap ni Pie sa next partner niya.
Tanong ng host kung okay ba kung mas bata sa aktres at matagal bago nakasagot, “Okay lang pero I prefer na sana older, pero sana older na ‘yung pareho pa (hindi nagkakalayo ang edad).”
Biro ulit ni Papu, “’Yung pareho pa kayo ‘yung hindi mo pa itutulak ang wheelchair kung baga pareho pa kayong nage-enjoy together.”
Sinang-ayunan ito ni Pie, “Oo travelling, dating dami ko pang gustong gawin ganu’n, ‘yung life namin sana compatible. I mean ngayon at my age parang ang gusto ko na lang ‘yung kayo lang dalawa na enjoy kayo, tatawa kayo, magkukulitan kayo, you can talk kahit kayo lang dalawa without anybody.”
Hirit ni Julius, “Hindi ba kayo ganyan ni Edu noon, ‘di ba ganyan naman kayo?”
Nagkatawanan ang dalawa sabay sabi ni Cherry Pie, “At that time when we were together parati kaming with the crowd.”
“Ah ayaw mo ng ganu’n, gusto mo kayong dalawa lang,” tanong ulit ni Julius.
“Hindi naman, he’s also a private person, but I think ‘yun lang maiba lang na ano (dynamics),” esplika ng aktres.
Diretsong tanong ni Julius kung nag-propose si Edu, “We talked about.”
“Tapos? Anong sagot mo?” balik-tanong ni Julius.
Tawa na naman nang tawa si Pie, “Kasi that’s marriage, I’ve never been married, so give me more time, let’s take our time.”
“’Yan ang mahirap pinatagal mo talaga,” diin ni Papu.
Tumawa ulit ang aktres, “hindi naman siguro lang may ibang plano ang Diyos, ‘di ba?”
Sabi pa, “And he’s very happy now and I’m very happy for him, so ‘yan ang mga gusto natin.”
Nakwento ni Julius na laging nasa limelight ngayon sina Edu ang girlfriend niyang Ann Cuisia, CEO ng isang tech company na very vocal sa pagpuna sa mga nangyayari sa gobyerno at kapaligiran kaya compatible sila ng aktor dahil matindi rin kung magpasaring sa mga opisyales ng gobyerno.
Samantala, gusto nang maging low key ni Pie na ang hinahanap niya if ever magkaroon siya ng partner ay magtanim-tanim na lang na silang dalawa lang ng partner niya kahit malayo sa mga kaibigan nila.
“Yung we don’t need other people to make us happy, parang ganu’n at dapat jive kaming dalawa ‘yun ang hinahanap ko bukod sa may trabaho at mabait,” sey ni Pie.
At kaya ayaw na rin nito ng mas bata, “Kasi kung bata baka gusto niyang magkaanak, e, hindi ko na siya mabibigyan ng anak tsaka baka maligalig pa siya, ‘di ba?”
Payo ni Julius na subukan nito ang dating app, “Talaga, medyo conservative pa ako, ha, ha, ha. Pero siguro hind isa atin (Pinoy), siguro I will try abroad, kasi kung sa atin parang mahirap. Marami naman akong nakilala abroad, mga friends lang kasi gusto ko pa rin Pilipino kasi I think because of the culture, sensibility lalo na sa family. ba ang western culture, eh, e, maka-family ako. Ang dami kong requirements, e, kung wala, okay lang, ha, ha, ha.”
Dagdag pa ng aktres, “I’m manifesting, manifesting.”
Sa kasalukuyan ay nakapahinga muna si Cherry Pie at abangan na may gagawin siyang teleserye sa Kapamilya channel.
The post Cherry Pie Picache napapagod nang mag-isa, naghahanap ng ‘the one’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments