Lani Misalucha nanood sa Las Vegas concert ng BINI: Nakakainis lang kasi…

MAS naging espesyal pa ang Las Vegas leg ng “Signals” world tour ng Nation’s Girl Group na BINI dahil sa Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha.
Super watch talaga ang OPM icon sa third stop ng North American tour ng BINI titled “Signals” at in fairness, proud na proud si Lani sa patuloy na tagumpay na grupo.
Sa bandang ending ng concert, hindi nakalimutan ng grupo, sa pangunguna ni BINI Jhoanna na banggitin at pasalamatan si Lani na tuwang-tuwang pumapalapak at nakikisigaw din sa audience.
Kinanta pa ng nila ang ilang bahagi ng hit song ni Lani na “Bukas na Lang Kita Mamahalin” na umani rin ng palakpakan at hiyawan mula sa mga manonood.
Ayon kay Lani, tuwang-tuwa siya habang pinagmamasdan ang ibang lahi na nakikikanta at nakikisayaw sa mga kanta ng BINI mula simula hanggang katapusan ng kanilang Las Vegas show.
“I was so ecstatic. Nakakatuwa na para na sila talagang nasa international stage.
“And seeing our kababayans supporting them and sabi ko nga, hindi lang mga Pilipino yung nanonood and everybody seems to be enjoying it, every minute of it yung mga tao were cheering for them,” pahayag ni Lani sa panayam ng ABS-CBN.
Dagdag pa niya, “I am so proud, and the whole time I was beaming with smile and just really proud on the stage.
Baka Bet Mo: BINI certified Pinoy pride, celebs super proud sa Coachella performance ng girls
“And mind you, this stage was also used by Britney Spears and JLo (Jennifer Lopez) lang naman. This is really something else!” aniya pa.
Pero ang nakakaloka, hindi raw nai-video ni Lani nang i-acknowledge siya ng grupo.
“Ang cute nga, nakakainis lang. So yun nga I was holding my phone the whole time taking some videos and pictures and nung time na kumanta na sila, and acknowledged me, di ko naman na ano yung phone ko.
“But that’s okay, basta nakita ko sila nagperform at nakisayaw, so I’m so happy. I am extremely proud of these beautiful young ladies,” sey ng iconic singer.
The post Lani Misalucha nanood sa Las Vegas concert ng BINI: Nakakainis lang kasi… appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments