Derek Ramsay nagsalita na sa ‘pekeng plaka’ issue: I will cooperate

BINASAG na ng aktor na si Derek Ramsay ang katahimikan hinggil sa kinakasangkutang isyu ng umano’y paggamit ng pekeng plaka sa pagmamay-aring Porsche 918 Spyder.
Biglang mag-trending ang pangalan ng aktor matapos lumabas ang ulat tungkol sa imbestigasyon ng LTO sa nahuling actor-businessman na gumagamit umano ng pekeng plaka ng luxury car at hindi tugma sa nakatalaga rito.
Kalaunan ay kinumpirma ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Vi. Lacanilao sa panayam sa isang news outlet na si Derek nga ang kanilang tinutukoy.
Kaya naman inaatasan ng ahensya na humarap sa Intelligence and Investigation Division ang designated driver pati ang registered owner ng sasakyan upang magsumite ng verified o sworn explanation tungkol sa umano’y paglabag sa paggamit ng number plates.
Baka Bet Mo: Derek Ramsay sinita ng LTO sa umano’y pekeng plaka ng mamahaling sasakyan
Kaya naman sa pamamagitan ng Instsgram story ay naglabas na ng pahayag si Derek hinggil sa nangyari.
“I’ve seen the issue regarding the 918 spyder on social media. I do not drive any cars with fake plates.
“All my vehicles have proper plates. Pls carefully read the statement issued by Ito to properly understand what is happening,” saad ni Derek.
Ayon pa sa aktor, sa ngayon ay wala pa siyang natatanggap na show-cause order at kung sakali ay handa siyang makipagtulungan sa naturang ahensya.
“I have not yet recieved any show cause order but i will cooperate and appear when requested. To the LTO i apologize for what is going on. Driving with fake plates is wrong and should not be tolerated,” sey pa ni Derek.
Nauna nang sinabi ni Lacanilao na walang special treatment sa pagpapatupad ng mga patakaran ng ahensiya.
“There are no VIPs when it comes to law enforcement. Regardless of who is involved, anyone proven to have committed a violation will face the corresponding consequences,” saad ni Lacanilao.
Dagdag pa niya, “There is no favoritism, no excuses and no exemptions. The LTO does not tolerate the use of fake license plates or the evasion of mandatory obligations.”
The post Derek Ramsay nagsalita na sa ‘pekeng plaka’ issue: I will cooperate appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments