Responsive Ad

Derek Ramsay sinita ng LTO sa umano’y pekeng plaka ng mamahaling sasakyan

Derek Ramsay sinita ng LTO sa umano’y pekeng plaka ng mamahaling sasakyan
PHOTO: Screengrab from Instagram

SA unang report ng Land Transportation Office (LTO) kahapon, August 14, tungkol sa isang mamahaling kotse na peke ang plaka ay hindi muna binanggit kung sino ang nagma-may-ari nito.

Nakunan ng video ang mamahaling kotse at maraming netizens ang nagsabing pag-aari ito ni Derek Ramsay at matagal na itong naibenta.

Sa kalaunan ay lumutang na nga ang pangalan ni Derek na base sa imbestigasyon ng LTO ay nakarehistro pa rin ito sa pangalan niya kahit na naibenta na ito sa ibang tao.

At dahil dito ay naglabas ang ahensya ng shows cause order laban kay Derek na siyang nakarehistrong may-ari ng mamahaling sasakyan at sa driver na nahuling gumamit nito, na base sa verification ay hindi tugma ang alphanumeric combination sa plakang gamit nito sa opisyal na nakatalagang numero ng plaka para sa nasabing sasakyan.

Baka Bet Mo: Derek Ramsay ninerbyos nang magbalik sa pag-aartista matapos mag-lie low: Hindi na ako sanay

Hindi naman binanggit ng LTO kung sinong negosyante ang umano’y napagbentahan ng mamahaling kotse.

Ipinaliwanag din ng LTO na kahit hindi na si Derek Ramsay ang gumagamit ng sasakyan ay nakarehistro pa rin ito sa pangalan niya.

Ayon pa sa ahensya, ang rehistradong may-ari ng mamahaling kotse at ang itinalagang driver na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO at magsumite ng beripikado o sinumpaang paliwanag hinggil sa umano’y paglabag na may kinalaman sa paggamit ng plaka.

Sinabihan din ng LTO ang driver na magpaliwanag kung bakit hindi dapat suspindihin o bawiin ang kanyang lisensya sa pagmamaneho batay sa posibilidad na maituring siyang “hindi karapat-dapat na magpatakbo ng sasakyan.”

90 days ang preventive suspension sa lisensya ng driver at inutusan siyang isuko ito sa ahensya.

Naglabas na rin ng alarm status para sa mamahaling kotse habang inatasan naman ang Law Enforcement Service (LES) ng LTO na i-impound ang sasakyan at walang VIP status.

“Walang VIP sa pagpapatupad ng batas. Kahit sino pa ang sangkot, kapag napatunayang lumabag, haharap sa kaukulang pananagutan,” diin ni LTO chief Markus Lacanilao.

Dagdag pa, “Walang palakasan, walang palusot, at walang exemption. Ang paggamit ng pekeng plaka at pag-iwas sa mga obligasyong dapat tuparin ay hindi pinapalampas ng LTO.”

Sa kasalukuyan ay wala pang reaksyon si Derek Ramsay tungkol dito.

The post Derek Ramsay sinita ng LTO sa umano’y pekeng plaka ng mamahaling sasakyan appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments