Jericho Rosales naging nega dahil sa mga rebelasyon ng utol na si Jeremiah

HINDI maganda ang naging epekto sa 9th EDDYS Best Actor na si Jericho Rosales ang pagpapa-interview ng kapatid niyang si Jeremiah Rosales kamakailan.
Naging nega kasi ang tingin ng madlang pipol kay Echo matapos mapanood si Jeremiah sa panayam ng broadcast journalist na si Julius Babao para sa YouTube channel nito.
Parang lumalabas kasi na pinabayaan at hindi man lang tinulungan ng Kapamilya actor ang kapatid para kahit paano’y gumanda ang buhay nito.
Kuwento ni Jeremiah sa naturang panayam, isang buwan daw siyang nagtago noon sa Bicol kung saan siya nagtrabaho bilang construction worker.
Pero dahil sa hirap na kanyang naranasan, bumalik din daw siya sa pamilya niya.
Sa isang episode ng “Showbiz Updates” ni Ogie Diaz, tinalakay ang naging komento ng netizens sa pasabog na interview ni Julius kay Jeremiah.
Sey ni Mama Ogs, “Parang ‘yong mga netizen, after watching the vlog, e, parang kinukuwestiyon na parang pinabayaan ni Jericho ‘yong kapatid niya, which is not true.”
Baka Bet Mo: Jeremiah Rosales nag-construction worker sa Bicol, hindi pinabayaan ni Echo
“Kasi ‘yon nga ‘yong nagiging impression, e. ‘Bakit hinayaang magkarpintero? Bakit hinayaang mag-construction ni Jericho ‘yong kapatid niya?
“‘Ang ganda-ganda ng trabaho niya, bakit hindi niya tulungan ang kapatid niya?’ Nami-misinterpret tuloy,” chika pa ni Ogie.
Sabi pa ng talent manager at content creator, ito umano ang dahilan kung bakit nagpadala ang abogado ni Jericho ng demand letter kay Julius para i-delete ang vlog ni Jeremiah.
Hindi na makikita ngayon sa YouTube channel ng veteran news anchor ang panayam niya sa utol ni Echo.
Kung matatandaan, nabalitang ipapasok na sana sa isang rehabilitation facility si Jeremiah noong June 20 dahil sa umano’y lumalalang kondisyon nito.
Pero ang chika, nakatakas raw ang dati ring nag-artista ring kapatid ni Jericho bago pa man ito maipasok sa rehab.
The post Jericho Rosales naging nega dahil sa mga rebelasyon ng utol na si Jeremiah appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments