Responsive Ad

Angeline Quinto may rebelasyon tungkol kay Sarah G: Grabe siya!

Angeline Quinto may rebelasyon tungkol kay Sarah G: Grabe siya!
Sarah Geronimo at Angeline Quinto

NANG dahil sa Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, hindi itinuloy ni Angeline Quinto ang planong pagku-quit sa pagkanta at pagpe-perform.

Napakalaking bahagi ni Sarah G, sa tagumpay ni Angeline sa kanyang showbiz career kaya naman forever daw niya itong tatanawing utang na loob sa actress-singer.

Nagpaplano na raw noon ang Kapamilya singer-actress at Birit Queen na tumigil sa pagkanta hanggang sa mapanood niya ang isang music video ni Sarah.

Halos limang taon na raw hindi kumakanta si Angeline nang makita niya ang MTV ni Sarah G sa hit song nitong “Sa Iyo.”

“Hindi alam ni SG yun. Magmamadaling-araw na tapos tulog na si Mama noong napanood ko. Yung ‘Sa Iyo’ yon. Tapos bigla ako nabuhayan ng loob. 

“(Sabi ko) ‘Grabe si Sarah! Kung kaya ni SG, kaya ko rin,” ang pahayag ni Angeline sa isang panayam. 

Sey pa ng singer, isa raw si Sarah sa mga naisip niyang kuning special guest sa kanyang 15th anniversary concert na “Aquinse” sa Araneta Coliseum.

“Gusto ko ma-witness niya 15 years ko kasi siya as inspiration ko nang bumalik ako sa pagkanta after mawalan ako tiwala sa career ko at pag-asa na maabot pangarap ko sa singing. 

Baka Bet Mo: Angeline Quinto 4 na taong palihim na nag-aral; pati si Nonrev hindi knows

“Ta’s noong una ko nakita sa ASAP. Naisip ko buti na lang di ako sumuko,” aniya pa.

Gusto rin daw sana niya na maging special guest sina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Songbird Regine Velasquez sa concert niya.

“Si Mama Sharon kasi unang nanay ko sa showbiz. Si Regine Velasquez Idol ko po talaga. Hindi pwedeng isa lang, tatlo talaga naisip ko kasi sila inspiration ko,” sabi pa niya.

The post Angeline Quinto may rebelasyon tungkol kay Sarah G: Grabe siya! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments