Taylor Swift, Travis Kelce engrande ang kasal sa New York!

TILA eksena sa isang pelikula ang pag-iisang dibdib ng celebrity couple na sina global pop superstar Taylor Swift at NFL heartthrob Travis Kelce!
Kinumpirma mismo ng publicist ni Taylor ang bongga at star-studded wedding na naganap ngayong Sabado, July 4, oras sa Pilipinas, sa Madison Square Garden sa New York.
Imbes na magkaroon ng traditional bridesmaids at groomsmen, pinili ng singer na ang kanyang kapatid na si Austin Swift ang maging kanyang “man of honor,” habang ang kuya naman ni Travis na si Jason Kelce ang tumayong best man.
Habang nagaganap ang secret ceremony sa loob ng MSG, dagsa naman sa labas ang mga fans, turista, at Marites na tiniis pa ang matinding init para lamang makisaya at masaksihan ang inaabangang celebrity wedding ng dekada.
Baka Bet Mo: Taylor Swift natagpuan ang ‘end game’ kay Travis Kelce, engaged na
Hindi rin nagpahuli ang mga celebrity guest na dumating para sa black-tie affair.
Ayon sa ulat ng INQUIRER, kabilang sa mga dumalo ang international singer na si Camila Cabello, mga aktor na sina Hugh Grant, Ethan Hawke, Jason Sudeikis, at ang model na si Karlie Kloss.
Mula naman sa mundo ng sports, present din sina Kareem Hunt, Cooper Kupp, JuJu Smith-Schuster, at commentator na si Joe Buck.
Dumalo rin ang author na si Jenny Han, na lumikha ng sikat na seryeng “The Summer I Turned Pretty.”
Mistulang awards night ang dating ng event dahil sunod-sunod ang pagdating ng mahahabang itim na SUV sakay ang mga bisitang naka-tuxedo at evening gowns.
Patuloy na kinikilig ang milyon-milyong fans sa buong mundo sa love story ng pop superstar at football icon mula nang mag-date noong 2023.
At parang hindi pa sapat ang fairy tale ending na ito, ilang araw bago ang kasal ay nag-donate pa sina Taylor at Travis ng $26 million o P1.45 billion sa 20 lokal at pambansang charities sa Amerika, kabilang ang mga organisasyon sa Nashville, Los Angeles, Kansas City, at New York City.
The post Taylor Swift, Travis Kelce engrande ang kasal sa New York! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments