Responsive Ad

Network wars tapos na; collabs bagong era sa TV industry para maka-survive

Network wars tapos na; collabs bagong era sa TV industry para maka-survive

HUDYAT ba ng may pagbabago sa insudtriya kaya may collaboration sa ibang network?

Matapos kasi ang sunod-sunod na anunsyo ng ABS-CBN na mapapanood ang “Sigabo” ni Coco Martin, “Everybody, Sing!”, at “Kapamilya Deal or No Deal” sa TV5ay marami ang nagtatanong: may kasunod pa kaya?

Kung ang mga nakausap namin ang paniniwalaan, mukhang hindi pa rito nagtatapos ang mga collaboration sa TV industry.

Ang tanong ay kung ano ang susunod na proyekto na mas interesante ang mas malaking kwento sa likod ng mga pangyayaring ito.

Baka Bet Mo: ‘Sigabo’ ni Coco naungusan sa ratings game ang ‘The Master Cutter’ ni Dingdong

Noong araw, halos kanya-kanyang laban ang mga TV network.

Ngayon ay mas mahalaga nang maihatid ang mga programa sa mas maraming manonood.  

“Malinaw ang isang TV network sa isang probinsya, pero wala naman sila sa ibang probinsya. Paano sila makakanood? Kaya kailangan may ibang TV network na may signal sa lugar na iyon para mapanood ng mga tao ang kanilang paboritong programa. Marami rin lugar sa probinsya ang mahina ang internet,” katwiran ng ilang nakausap namin.

Oo nga naman, hindi naman mahirap unawain kung bakit.

Hindi na lang kasi magkakalaban ang mga lokal na network, lalo na’t nakakaagaw ng viewers ang mga palabas online tulad ng Netflix.

Well, kasama rin ang pelikulang Pilipino na nararanasan din ito.

May mga pelikulang nagiging blockbuster pa rin, pero marami rin ang nahihirapang makahikayat ng manonood.

Ganito rin ang hamon sa telebisyon, na patuloy na gumagawa ng mga programang gusto ng publiko habang nagbabago ang paraan ng panonood.

Kaya hindi na rin nakapagtataka kung mas madalas nang makakita ng mga collaboration sa industriya.

Hindi lang ito tungkol sa mga network, kundi tungkol sa paghahanap ng mga paraan para mas maraming Pilipino ang manatiling konektado sa mga programang kanilang sinusubaybayan.

Kapag available ang mga programa sa iba’t ibang channels at platforms, mas maraming manonood ang nagkakaroon ng pagkakataong mapanood ang kanilang mga paboritong palabas.

Sa huli, mukhang ang tunay na panalo ay ang manonood.

Habang patuloy na nagbabago ang entertainment industry, ang pinakamahalaga ay nananatiling abot ng mga Pilipino ang mga programang nagbibigay sa kanila ng balita, aliw, at inspirasyon.

The post Network wars tapos na; collabs bagong era sa TV industry para maka-survive appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments