Wally Bayola iniintriga sa kasamang 14-year-old model: Wag masyadong judgemental

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang shoutout video ng “Eat Bulaga” host na si Wally Bayola sa 14-year-old model at content creator na si Sofia Alizee Schafers.
Mismong ang dalaga ang nag-post ng naturang video kung saan makikita ang komedyante na nagbibigay mensahe sa kanya.
“Dabarkads, naku nakilala namin, napakabait na bata. I-follow niyo po. Huwag niyong kakalimutan, i-follow niyo! Sofia Alizee. Follow, subscribe and everything!” saad ni Wally.
Matapos i-post ng dalaga ang naturang video ay agad itong dinumog at umani ng samu’t-saring komento.
Baka Bet Mo: Wally Bayola ligtas na matapos sumemplang sa motor sa Camarines Sur
Karamihan sa mga comments ay nagbigay ng malisya sa video. Meron pang pinag-iingat ang dalagita kay Wally.
Hindi naman nagustuhan ni Sofia ang mga malisyosong mga komento ng netizens at agad na pumalag.
“His [Wally] reputation is not my responsibility. Sarili kong pangalan ang dala ko. Keep my name out of your assumptions,” talak ni Sofia.
Pagpapatuloy niya, “Just to remind you all that I am only 14 yrs old! and the comments are like… Wow really? Some of y’all are way too comfortable judging people without knowing the facts. I’m not even related to this guy, so stop making assumptions.”
Sinabihan rin niya ang mga ito na kung walang magandang komento sa naturang shoutout video sa kanya ni Wally ay huwag na lang magsalita.
“If you can’t be respectful, at least be quiet. Kindness costs nothing, but ignorance is expensive. Anyways, your opinion is noted. My video remains posted,” dagdag pa ni Sofia.
Ipinagtanggol naman ni Sofia si Wally at sinabing mabait ito.
“Actually, Sir Wally is so nice to me. He even told me na kahit mag-artista ako, wag ko daw i-give up ang studies ko. My biggest achievement will be my diploma at education ko. Tapos kayo puro kayo intriga at bash. Hay naku,” sabi pa ni Sofia sa comment section ng kanyang post.
The post Wally Bayola iniintriga sa kasamang 14-year-old model: Wag masyadong judgemental appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments