Responsive Ad

Zeinab Harake, Max Collins hot na hot sa bikini video: ‘Harutang Ina!’ 

Zeinab Harake, Max Collins hot na hot sa bikini video: 'Harutang Ina!' 
Max Collins at Zeinab Harare

PINAAPOY nina Max Collins at Zeinab Harake ang mundo ng social media sa hot na hot nilang bikini video.

Summer vibes pa rin ang pasabog ng dalawang hot mama sa gitna ng panahon ng tag-ulan dahil sa napakainit na video na ipinost nila sa Instagram.

Mapapanood sa short clip na ibinahagi ni Max sa IG ang “maharot” na pagsasayaw nila ni Zeinab habang suot ang pak na pak nilang two-piece bikini.

Kuha ang nasabing video sa isang swimming pool kung saan emote kung emote ang drama ng Kapuso star at sikat na sexy content creator.

Seksing-seksi si Max sa kanyang suot na two-piece red bikini, habang nagmumura naman ang sex appeal ni Zeinab with her red-and-brown two-piece swimsuit.

“Less talking, more tanning,” ang tanging caption ng leading lady ni Dingdong Dantes sa “The Master Cutter” sa kanyang paandar na IG post. 

Hirit naman ni Zeinab sa comments section, “Yassssss we did it again.”

Sandamakmak naman ang nag-post ng reaksyon sa bikini video nina Max at Zeinab.

“JUSKO NAMAN NAKAKAINSPIRE MAGING HOT MOM!”

“Harutang Ina ng mga hot mamma! Pakak!” 

“Nanganak batong mga to grabe!”

“Sila talaga ang inspiration ko na kayanin ang one meal a day!”

“Sh***tttt ang saraaaaap!”

“Pasexy pa more Max Collins!”

The post Zeinab Harake, Max Collins hot na hot sa bikini video: ‘Harutang Ina!’  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments