Responsive Ad

‘Sigabo’ nina Coco Martin at Julia Montes ipalalabas ng ABS-CBN sa TV5!?

'Sigabo' ni Coco Martin at Julia Montes ipalalabas ng ABS-CBN sa TV5
Coco Martin at Julia Montes

TOTOONG-TOTOO ang kumakalat na balitang may “balikan” ngang mangyayari sa pagitan ng ABS-CBN at TV5 dahil kay Coco Martin.

Kasalukuyan nang inaayos ang kanilang collaborations dahil ang mga programa ng Kapatid network ay mapapanood na rin sa ABS-CBN platforms.

Hindi kami sinagot ng taga-TV5 kung paano ang schedule ng timeslot sa kanila ng mga programa ng ABS-CBN tulad ng pagpasok ng “Sigabo” sa Hunyo 22, “Blood vs Duty” at “The Alibi.”

Magkakaroon ba ng pagbabago sa timeslot ng mga serye ng TV5, tulad ng “My Bespren Emman” at “Secret in Prague”, lalo’t malapit na ngang umere ang “Sigabo” ni Coco Martin?

O, baka “Sigabo” lang muna ang ipalalabas sa TV5 at hindi kasama ang “The Alibi” at “Blood vs Duty” dahil paano nga naman ang “My Bespren Emman” at “A Secret in Prague”?

Anyway, may nakakitang nagmi-meeting sina TV5 President and CEO Guido Zaballero at Star Worx Head Mr. Johnny Manahan o Mr. M kasama ang ABS-CBN Music executives na sina Roxy Liquigan at Jonathan Manalo. 

May nalalapit na rin bang collaboration sa pagitan ng Star Worx at ABS-CBN Music?

Baka inilapit ni Mr. M ang kanilang mga Star Worx talents from TV5 na marunong kumanta para gawan ng album o music videos.

Maganda ang relasyon ni Ginoong Guido Zabalerro sa ABS-CBN executives dahil imbitado siya sa ilang events ng Kapamilya, hudyat na maganda ang kanilang partnership.

Abangan na lang ang mga susunod na mangyayari.

The post ‘Sigabo’ nina Coco Martin at Julia Montes ipalalabas ng ABS-CBN sa TV5!? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments