Responsive Ad

Jamilla Obispo pakak na pakak sa ‘Sugar Mommy’, palaban pa rin sa hubaran

Jamilla Obispo pakak na pakak sa ‘Sugar Mommy’, palaban pa rin sa hubaran
Jamilla Obispo kasama ang cast at direktor ng ‘Sugar Mommy’

MULING patutunayan ng sexy actress na si Jamilla Obispo na matindi pa rin ang kamandag niya pagdating sa aktingan at hubaran.

In fairness sa dating sikat na  centerfold sa mga magazine at isa sa mga pangunahing sexy actress ng Viva, para siyang mamahaling alak na lalong sumasarap habang nagkakaedad. 

Patunay rito ang pinakabagong erotic drama ng VMX o Vivamax na “Sugar Mommy,” kung saan ipinakikita ang taglay niyang karisma at alindog na nagpahanga sa maraming kalalakihan noon.

Sa pinakabagong pelikulang ito ng direktor na si Christopher Novabos, buong kumpiyansang ginagamit ni Jamilla ang kanyang kapangyarihan habang ginagampanan ang isang karakter na namamahala sa isang masalimuot na relasyon ng apat na tao. 

Kasama niya sa matinding adult drama na ito sina Ashley Lopez, Aerol Carmelo, at Rash Flores.

Ang “Sugar Mommy” ay si Hazel (Jamilla), isang mayaman at matatag na babae na tuluyan nang tumalikod sa tradisyonal na pag-ibig. 

Sa halip, pinili niyang tuparin ang kanyang mga hangarin ayon sa sarili niyang mga tuntunin. 

Nagbabago ang kanyang maingat na pamumuhay nang makilala niya si Paul (Aerol), isang bata at masigasig na lalaki na nagbibigay sa kanya ng oras at atensyon kapalit ng pinansyal na seguridad. 

Bagama’t si Hazel ang may ganap na kontrol at nagtatakda ng mga patakaran sa kanilang relasyon, mag-iiba ang sitwasyon nang may dalawa pang taong pumasok sa kanilang buhay (Ashley at Rash).

Dito na magkakaroon ng matitindi at maiinit na twists and turns ang kuwento kung saan magugulo ang tahimik at maayos nilang pamumuhay. 

Nangangako ang pelikula ng isang karanasang puno ng matinding tensyon at mapanghamong tema.

Panoorin ang “Sugar Mommy” nang eksklusibo sa VMX, ang isa sa pinakamalalaking streaming platform sa bansa.

The post Jamilla Obispo pakak na pakak sa ‘Sugar Mommy’, palaban pa rin sa hubaran appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments