‘Bad Boy’ legacy ni Robin Padilla ipapamana na kay Daniel, Kaila Estrada katambal?

MUKHANG tuloy na tuloy na ang pagbabalik ng iconic na “Bad Boy” franchise!
Kinumpirma na kasi ni Rommel Padilla na posibleng si Daniel ang bibida sa “Bad Boy 4,” kasama pa ang rumored girlfriend nitong si Kaila Estrada.
Sa Q&A portion ng advance screening ng “Bad Boy 3,” tinanong si Robin kung gusto pa ba niyang manatili sa “bad boy” image na nagpasikat sa kanya noon.
At ito ang kanyang sagot na ikinagulat ng marami: “Ipapamana ko na po ito sa ‘Bad Boy 4,’ sa mas batang artista. Iintroduce na po natin.”
Baka Bet Mo: Daniel Padilla ibinandera pagmamahal kay Kaila: Its just is, and we just are!
Dahil diyan, nagtanong muli ang press kung si Daniel ba ang tinutukoy, at diyan na pumasok si Rommel na tila kinumpirma ang lahat.
“In the works. Syempre dahil nanggaling doon sa pinanggalingan din ay kailangan doon sa kagalingan din ibibigay,” sey ni Rommel.
Nang usisain naman kung si Kaila nga ba ang magiging leading lady ni Daniel sa pelikula.
Diretsahan ang sagot ni Rommel: “Aba syempre naman! Para naman makita na magkasama silang dalawa sa ‘Bad Boy 4’.”
Kung matatandaan, ang original na “Bad Boy” ay inilabas noong 1990 na siyang nagpatibay sa “bad boy image” ni Robin sa Philippine cinema.
Sinundan ito ng “Bad Boy II” noong 1992, at ngayon, higit tatlong dekada matapos, bumabalik ang franchise sa pamamagitan ng “Bad Boy 3.”
Samantala, matagal nang iniuugnay si Daniel kay Kaila matapos silang madalas na makitang magkasama mula pa noong nakaraang taon.
Bagama’t wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa, naging Instagram official na sila matapos magbandera ng photos ng isa’t isa sa social media.
Magkasama rin ang dalawa sa action-drama series na “Incognito,” kaya hindi na rin nakakapagtaka kung sakaling maging on-screen partners ulit sa “Bad Boy 4.”
The post ‘Bad Boy’ legacy ni Robin Padilla ipapamana na kay Daniel, Kaila Estrada katambal? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments