Responsive Ad

Kilalang aktres pa-booking sa mga politiko bago sumikat nang bongga

Kilalang aktres pa-booking sa mga politiko bago sumikat nang bongga

KNOWS n’yo ba na naging pa-booking din pala ang sikat na aktres noong simula pa lamang siyang nakikilala sa showbiz?

Kuwento ng isang source, may Boogie Wonderland (bugaw) na siyang nakikipag-usap at nag-aayos ng mga client para sa aktres.

Very discreet daw talaga ang pagpatol ng sikat na female celebrity sa mga customer dahil medyo wholesome ang pino-project niyang image noong umentra sa mundo ng showbiz.

Karaniwan daw sa mga nagiging kliyente ng aktres ay politician kaya naman lihim na lihim talaga ang kanilang pagkikita at pagsasalo sa init at kaligayahan.

Naloka kami sa kuwento ng aming source dahil wala sa image ng sikat na aktres ang magpaka-escort girl at pumapatol sa mga rich politician kapalit ng malaking halaga.

Pero sumusumpa ang kausap namin na matagal nang retired sa ganitong business ang aktres dahil in fairness, talaga namang yumaman na siya sa pag-aartista.

Aside from that, pinatunayan din ng aktres ang kanyang husay sa pag-arte sa pamamagitan ng kanyang mga teleserye at pelikula.

Clue? Naku, mga ka-BANDERA pass muna sa ngayon dahil baka ika-shock n’yo kung sino ang bida sa blind item na ito. Promise, hindi n’yo kakayanin! Ha-hahahaha! 

The post Kilalang aktres pa-booking sa mga politiko bago sumikat nang bongga appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments