Matet de Leon sa mga epal: Ako papatol, akin ang kahihiyan, akin ang away

MATAPANG na naglabas uli ng kanyang saloobin ang aktres na si Matet de Leon tungkol sa umano’y alitan sa kanilang pamilya.
Nilinaw ni Matet na walang alitan o matinding away na namamagitan sa pagitan nilang magkakapatid, lalo na ang isyu tungkol kay Ian de Leon.
Sey ng aktres, ang mga tao lang daw ang gumagawa ng kung anu-anong kuwento para lang pag-away-awayin ang kanilang pamilya.
“Actually hindi nga siya, alitan ba ‘yon? Parang misunderstanding. Medyo hindi lang nagkakaintindihan nang slight,” ang pahayag ni Matet sa panayam ng “i-Listen with Kara David.”
Wala rin daw pataasan o “hierarchy” na umiiral sa kanilang magkakapatid ngayong wala na ang nanay nilang si Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
“Pare-parehas ang trato sa amin ni mommy eh. Pare-parehas lang kami. Magkakapatid,” aniya.
Sa tanong kung may isyu ba talaga sa kanila kung sino ang totoong anak at hindi totoong anak ni Ate Guy, “Alam niyo, Ms. Kara, tao lang ho ang gumagawa niyan.
“Tao lang ang nag-speculate. Tao lang ang nagkukulit. Actually kaya din ako nagagalit dahil napaka pakialamero,” sey ni Matet.
“Ang sabi nila si Matet, putak nang putak kung ano-ano sinasabi. Sa limang magkakapatid, siya lang ang maingay, ako ang tagapagtanggol ng mga kapatid ko.
“Ang ate ko (Lotlot de Leon), napakasosyal. Statement in English. ‘Ate, paano maiintindihan ‘yan? Naka-English ka na naman.’ So ako, magtatanggol sa kanila,” ang punto pa ng aktres.
Babala pa ni Matet, “Ako papatol, akin ang kahihiyan, akin ang away, sa akin na. Pero mga kapatid ko, ipagtatanggol ko ‘yan.
“Ang mga tao, pilit kaming pinagsasabong with their words kahit na walang nagsasalita. But I will talk. Ako ang magtatanggol sa amin. I will not stop,” aniya pa.
Knows din ng aktres na kung nabubuhay lang ang kanilang ina ay siguradong hindi nito gugustuhin ang na mag-aaway-away sila.
“Ayaw niya. Ayaw talaga niya. Gusto niya magkakasundo. I would say maiintindihan ko, kasi nag-aaway din ang panganay ko at pangalawa,” sabi pa ni Matet.
The post Matet de Leon sa mga epal: Ako papatol, akin ang kahihiyan, akin ang away appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments