Responsive Ad

Cayetano bet ipa-Tulfo sina Raffy, Erwin: This is not a radio or TV program

Cayetano bet ipa-Tulfo sina Raffy, Erwin: We have to be more professional
Erwin Tulfo, Alan Peter Cayetano at Raffy Tulfo

NIRESBAKAN ni Senate President Alan Peter Cayetano ang magkapatid na senador na sina Raffy at Erwin Tulfo.

Ito’y matapos na manawagan ang mag-utol at iba pang miyembro ng Senate minority bloc na magbitiw na sa posisyon si Cayetano.

Bukod pa rito ang binitiwang hamon ni Sen. Raffy kay Sen. Alan na ipakita ang tapang nito na magpakita sa Senado bukas, June 3, para sa susunod na sesyon ng Senado.

Sa pamamagitan ng pinakabagong Facebook live ni Cayetano nitong Martes, June 2, sinabihan niya si Tulfo na maging propesyonal bilang isang public servant.

“This is not a radio or TV program. This is the Senate of the Philippines. So we have to be more professional,” ang matapang na bwelta ni Sen. Alan sa kapwa niya senador.

Hirit pa niya, “E, kung hindi ka lang Tulfo at hindi rin Tulfo ang kapatid mong si Erwin, sinumbong ko na kayo kay Tulfo, e. ‘Di ba?”

Nanawagan ang Senate minority bloc na bumaba na sa pwesto si Cayetano bilang Senate President matapos ang dalawang araw na pagliban ng majority bloc sa plenary session ng Mataas na Kapulungan.

Sa naganap na presscon ng mga miyembro ng minority bloc sa Senado, sinabi ni Tulfo na duwag daw si Cayetano kung hindi ito magpapakita sa sesyon ng mataas na kapulungan. 

“Hinahamon ko si Alan Peter Cayetano. Kung matapang ka, pumunta ka rito bukas otherwise duwag ka,” aniya pa.

The post Cayetano bet ipa-Tulfo sina Raffy, Erwin: This is not a radio or TV program appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments