Ivana Alawi: Lahat ng babae ay karapat-dapat respetuhin anuman ang suot

MATAPANG na naglabas ng saloobin ang Kapamilya actress na si Ivana Alawi patungkol sa “victim blaming” sa mga kababaihan.
Umalma na rin si Ivana sa isyu ng paninisi sa mga babaeng nagiging biktima ng pambabastos at iba pang uri ng harassment, dahil daw sa istilo ng pananamit ng mga ito.
Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Ivana ang kanyang opinyon at reaksyon sa naturang isyu.
“‘Puro ka pasexy’, ‘Paano hindi babastusin eh tignan mo naman ang suot mo?’
“Andaming opinion ng tao about women. Madaming posts patungkol sa damit at dapat sinusuot ng mga babae para sila ay respetuhin,” simulang pagbabahagi ng aktres.
Pagpapatuloy pa niya, “Ang respeto sa babae ay hindi dapat nakabase sa haba ng kanyang pananamit, o kung anong sinusuot niya.
“Walang anumang kasuotan ang nagbibigay ng karapatan sa iba para husgahan, maliitin, o bastusin ka,” sabi pa ni Ivana.
“Sa dulo ng araw, mas mahalaga ang kabutihan ng puso, ang respeto sa kapwa, at kung paano mo pinakikitunguhan ang ibang tao.
“Lahat ng babae ay karapat-dapat respetuhin anuman ang suot, anuman ang hugis ng katawan, anuman ang estado sa buhay,” lahad pa niya.
Ito naman ang mensahe ni Ivana sa lahat ng kababaihan, “Wear what makes you happy. Be proud of who you are. Love yourself. Hindi damit ang nagdedefine kung sino ka, Character does.”
Maraming nagkomento at sumang-ayon sa FB post ng Kapamilya star, kabilang na ang kontrobersyal na content creator na si LANS.
“Your character speaks louder than their criticisms, Ate Ivana. People may talk, judge, and criticize, pero hindi nila mababago ang fact na you’ve used your platform to help, inspire, and give hope to so many people po, that is what truly matters, ate.
“Thank you for reminding us that kindness is way way more powerful than criticisms. Hugs po, Ate Ivana. We see your heart, and we support you,” aniya.
Pagpapatuloy pa niya, “Women do not have to fit one image to deserve respect. Hindi kailangang educational creator ka, mahinhin, conservative, o tahimik para masabing ‘worthy’ kang respetuhin.
“A woman can be confident, expressive, feminine, strong, matalino, creative, o simply comfortable being herself by posting photos, dressing a certain way, or expressing themselves (ourselves) online.
“The way we dress is never an invitation for disrespect. Hindi babae, hindi ang aming kasuotan, ang dapat pinapabago para itrato nang maayos. Ang pagiisip po ninyo sana ang ayusin,” sabi pa niya.
The post Ivana Alawi: Lahat ng babae ay karapat-dapat respetuhin anuman ang suot appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments