Ellen Adarna naiyak kay Isabel Santos: ‘You’re the best stepmom!’

NAKAKATABA ng puso ang ibinandera ni Ellen Adarna para kay Isabel Santos, ang kasalukuyang partner ng kanyang dating karelasyon na si John Lloyd Cruz.
Sa pamamagitan ng Instagram Story, tinawag ni Ellen na “best stepmom” si Isabel para sa anak na si Elias, na anak ng una kay John Lloyd.
Ibinahagi ng celebrity mom ang larawan nila ni Isabel habang nasa loob ng isang kwarto, kilakip nian ang caption na: “Eh yung iniyakan kita for being the best stepmom, mahal kita!”
Hindi rin nagtagal ay ni-repost ni Isabel ang naturang post at sinagot ito ng isang taos-pusong mensahe.
Baka Bet Mo: Ellen Adarna may bagong spluk: ‘Hinamon din niya ng away si JL in real life!’
“Love you, thank you for being a friend and everyday textmate,” menasahe ng partner ni John Lloyd sa aktres.

Ang emosyonal na eksena ay matapos ang kanilang masayang bakasyon sa Boracay kasama ang kani-kanilang pamilya.
Kasama rin sa trip sina Elias at ang anak ni Ellen na si Lily.
Makikita pa nga sa ibang posts ni Ellen na talagang nag-enjoy sila sa kanilang island getaway, kung saan nag-swimming ang grupo, nakipaglaro sa mga bata, at nagkaroon pa ng masayang boat party kung saan sabay-sabay silang nagsayawan.
Hindi rin nawala ang kantahan matapos ang isang buong araw ng kasiyahan sa tabing-dagat.
Samantala, bago pa man ang nasabing tribute, ipinakita na rin ni Ellen ang kanyang suporta sa relasyon nina John Lloyd at Isabel.
Sa isa niyang naunang post mula sa Boracay trip, nakuhanan niya ng video ang sweet moment ng magdyowa.
Makikitang tila kumakanta si John Lloyd habang nakatitig at nakangiti kay Isabel.
Dahil dito, pabirong nilagyan ni Ellen ng caption ang video na: “Ang tamis ahaha.”
Magugunitang hindi ito ang unang beses na nagkasama silang tatlo sa isang bakasyon.
Nauna silang nag-bonding noong Marso sa isang beach getaway naman sa Amanpulo, kasama ang kanilang mga anak.
The post Ellen Adarna naiyak kay Isabel Santos: ‘You’re the best stepmom!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments