Responsive Ad

Royce Cabrera ninakawan; damit, towel na basa ng pawis, car keys tinangay

Royce Cabrera ninakawan; damit, towel na basa ng pawis, car keys tinangay
Royce Cabrera

NINAKAW ang bag ng Kapuso hunk actor na si Royce Cabrera pagkatapos niyang mag-participate sa Sparkle Run 2026 ng GMA.

Batay sa kuwento ni Royce, nangyari ang insidente noong  Sabado ng umaga, May 30, habang abala siya sa naturang fun run.

Ibinahagi ng binata ang nangyari sa pamamagitan ng social media kung saan tanging gamit lang daw niya ang ninakaw ng suspek mula sa pinag-iwanan ng mga gamit ng participants.

Feeling ni Royce, talagang tinarget daw ng magnanakaw ang kanyang gamit kasabay ng pagtataka dahil pinili lamang nito ang tinangay na mga gamit mula sa kanyang bag.

“Akala ko hindi ito mangyayari sakin pero naranasan ko. Nanakawan ako ng bag during our event.

“Hindi ko inaasahan dahil naging abala kami sa event at naging kampante nako na ligtas na ang gamit ko dahil kasama nito ang iba pang gamit ng mga kasamahan ko,” simulang pagbabahagi ng aktor.

Pagpapatuloy pa niya, “Pero sapat na pala ang ilang minutong pagka-busy para manakawan o mawalan ng gamit.

“Pero isang bagay ang sigurado ako—hindi aksidente ang nangyari dahil sa lahat ng pwede mawala bukod tanging gamit ko lang talaga ang pinili mong kunin,” ayon pa kay Royce.

Dagdag pa ng binata, “Buti na lang at nasa bag ang Airpods ko kaya mabilis ko agad na-track ang kinaroroonan nito.

“From Quirino Grandstand napunta ng Circuit Makati.

“Pinuntahan namin ito kasama ng dalawang pulis at isang marshall,” lahad pa niya.

Muntik na raw sumuko at mawalan ng pag-asa si Royce na mababawi pa ang kanyang bag.

“Sa ilang beses naming pag-iikot tila ba nawalan nako ng pag-asa mahanap pa at nag-aya nalang umuwi na.

“Palabas na kami ng mall ng bigla nalang namin nakita ang bag ko sa poste kung saan malapit na nakapark ang mobile.

“Nakalapag at bukas lahat ng zipper. Agad ko itong kinuha.

“At ito ang mga nawala: car keys, damit and towel na basa ng pawis, 5k run finisher medal, case ng airpods.”

“Hindi ko maalis ang hindi mabahala sa mga bagay na pinili mong kunin. Hindi dahil sa halaga ng mga ito, kundi dahil nakakapagtaka kung bakit iyon mismo ang mga naging target mong kunin.

“Hindi ko alam kung ano talaga ang pakay mo pero kung sino ka man, sana tigilan mo na ang ganyang modus. Gusto kong intindihan kung bakit mo yun nagawa pero sigurado ako na doble ang bad karma na balik sayo sa ganyang klaseng gawain,” ang pahayag pa ng Kapuso star.

Binalaan pa niya ang magnanakaw, “Patuloy ko pa rin ito gagawan ng aksyon. Plano ko mag file ng police report at magpa check ng cctv within the vicinity.

“PS: Gusto ko naman magpasalamat sa mga masigasig na pulis ng Station 5. Na sina PAT Lisbo at PAT Endaya at sa isa sa mga marshall ng event na si Kuya Jun sa pagsama sakin sa paghahanap. Sobrang appreciated ko ang time and effort niyo.

“Stay safe, everyone. God Bless!” ang buong pahayag ni Royce.

The post Royce Cabrera ninakawan; damit, towel na basa ng pawis, car keys tinangay appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments