Responsive Ad

Alden Richards naghahanda na sa pag-settle down, future plans: ‘Nandoon na tayo’

Alden Richards naghahanda na sa pag-settle down, future plans: ‘Nandoon na tayo’
PHOTO: Instagram/@aldenrichards02

SA gitna ng sunod-sunod na proyekto at pagiging abala sa showbiz, hindi pa rin nakakalimot si Asia’s Multimedia Star Alden Richards na bigyang oras ang kanyang mga negosyo at personal na hobbies.

Sa ulat ng “24 Oras” kamakailan, ibinahagi ng aktor na unti-unti na rin niyang pinaghahandaan ang pag-settle down, kaya mas pinagtutuunan niya ngayon ng pansin ang pagbuo at pagpapalago ng kanyang mga negosyo.

“I think ito ‘yung tamang moment na to seize the moment din, and thank every opportunity that presents itself,” sey niya sa panayam.

Dagdag pa niya, mahalaga ang pagbuo ng seguridad para sa future.

Baka Bet Mo: Alden Richards nasa panganib ang buhay, pinag-iingat sa Beking Stalker

“Kasi medyo nandoon na tayo sa securing the safety nets e, para eventually, you know, kapag may point now, or there would come a point that needs na kailangan ko ng mag-settle down, ready na tayo,” wika niya.

Gayunman, aminado si Alden na marami pa siyang kailangang paghandaan bago tuluyang bumuo ng sariling pamilya.

“Sa ngayon, marami-rami pa. Marami pa tayong paghahandaan, pero very much looking forward and grateful for all the things [that are] happening, and nakakatuwa lang kasi, you know, nandito pa rin tayo,” sambit niya.

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa patuloy na tiwala at suporta ng mga tagahanga sa kabila ng kanyang mahabang pananatili sa industriya.

“May mga taong naniniwala pa rin sa atin. I am just looking forward for all the things that could offer the audience, mga Kapuso natin, most especially,” aniya.

Sa ngayon, abala si Alden sa kanyang mga bagong proyekto kabilang ang upcoming GMA medical drama series na “Code Grey,” kung saan gaganap siya bilang doktor. 

Makakasama niya rito sina Christopher de Leon, Romnick Sarmenta, Andrea Torres, Faith Da Silva, Allen Ansay, Shuvee Etrata, Joross Gamboa, Christian Bautista, Kristoffer Martin, at Jon Lucas.

Magtatambal din sa unang pagkakataon sina Alden at Nadine Lustre para sa romantic comedy series na “Love, Siargao,” na mapapanood sa Viu simula June 26.

The post Alden Richards naghahanda na sa pag-settle down, future plans: ‘Nandoon na tayo’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments