Responsive Ad

Vice Ganda kay Leni Robredo: Magpapakalalaki ako tumakbo ka lang ulit!

Vice Ganda kay Leni Robredo: Magpapakalalaki ako tumakbo ka lang ulit!

NAGPUNTA ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa Naga City para paunlakan ang imbitasyon ni Mayor Leni Robredo na mag-perform sa 1st Isarog International Hot Air Balloon and Music Festival 2026.

Habang nasa stage, nagkuwentuhan ang dalawa kung saan sinabi ng alkalde at dating bise presidente na isang text lang niya sa TV host-comedian ay agad itong pumayag kaya naman marami ang dumayo sa Naga para lang masilayan at mapanood siya.

“Hindi lang sila lahat taga-Naga. Dumayo sila just for you. Kaya maraming-maraming salamat,” mensahe ni Mayor Leni kay Vice.

Sinagot naman ito ni Vice at sinabing anytime na mag-text siya ay agad niya itong tutugunan.

Baka Bet Mo: Vice Ganda desidido na sa 2028, hindi tatakbo; Leni Robredo pa rin

“Masaya akong naririto. Lahat ng panawagan n’yo sa amin didinggin namin. Sana dinggin mo rin ang panawagan namin,” sagot ni Vice ma siyang nagpahiyaw sa mga manonood.

Pagpapatuloy pa niya, “Naga is the heart. You are our heart. You are our hope. We need you to continue hoping for a wonderful future not just for our families but for the entire Philippines.”

Idinaan naman sa biro ni Vice ang kanyang pakiusap sa alkalde na sana’y magbago ang desisyon nito tungkol sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na 2028 national elections.

“Dinggin n’yo po kami. Para n’yo nang awa. Gusto naming maranasan ‘yung luwag ng kalooban. Kasi ngayon nakikita ko ‘yung mga ngiti ninyo, ‘yung init hindi n’yo alintana kasi ‘yung puso n’yo, puno ng saya. Sa Pilipinas, hindi lahat ng lugar ganyan ang nararamdaman ng mga toa kasi mas mabigat, mas malungkot. mas hirap, kaysa sa mas masaya.

“Sana lahat tayo, sana buong Pilipinas, ganyan araw-araw. Hindi madali ang buhay, may kahirapan pero malaking bahagi ng mga puso natin ‘yung gaan at saya. Yung puso na walang takot at pangamba. Yung pusong punung-puno ng pag-asa dahil alam natin na tayong lahat ay pinamumunuan ng isang mabuting puso rin,” lahad ni Vice.

Talagang nais ng “It’s Showtime” host na magbago ang isip ni Mayor Leni at kahit na may mga pa-punch line ito ay ramdam ang intensyon at paghahangad na sana’y may magbago.

“We love you, Ma’am Leni. And magkita po tayo ulit sa campaign n’yo. Huwag kang mapressure. Next year pa tayo mag-aannounce. For now, i-enjoy muna ni Madam Leni ang Naga,” sey ni Vice.

Hirit pa niya, “Pero pagkatapos non, beke nemen. Promise po, magpapakalalaki ako tumakbo ka lang ulit! Charot lang.”

The post Vice Ganda kay Leni Robredo: Magpapakalalaki ako tumakbo ka lang ulit! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments