Miss Universe Asia 2025 Zhao Na bilib na bilib sa Philippine pageantry

NASA Pilipinas ngayon si Miss Universe Asia 2025 Zhao Na kasama ang ilan pang beauty queen mula sa China.
Magiging bahagi ang Chinese beauty queen sa magaganap na grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2026 ngayong gabi, May 2.
Kasaysayan ang maglalahad sa karanasan ng Miss Universe China sa Philippine pageantry sa kanilang opisyal na pagbisita sa bansa upang maunawaan ang masigla at kilalang pageant culture ng bansa.
Kilala bilang isa sa mga pinakamaimpluensya at pinakamalakas sa pageant scene, mainit na tinanggap ng Miss Universe Philippines si Zhao Na at ang National Director ng Miss Universe China na si Owen Chue.
“On behalf of the Miss Universe China organization, I would like to extend my warmest welcome and sincere gratitude to all the friends who always support us,” ang pahayag ni Owen Chue sa media.
Mula nang maitatag ang Miss Universe China noong 2023, naglakbay na ang grupo sa iba’t ibang bansa at inihayag ni Chue ang kanyang reyalisasyon tungkol dito.
“It’s not about the travel but it’s about spreading love, charity, and the mission of the Miss Universe,” pagbabahagi pa niya.
Sa naturang presscon, ipinarating ni Queenie, mula sa China Organization ng Miss Universe ang kanyang paghanga gayundin ang kanyang pag-asa sa magandang turingan sa pagitan ng China at Pilipinas para sa Miss Universe.
“Let us join hands to enjoy this global beauty, ensuring that the beautiful friendship between China and the Philippines shines brightly on the world stage.
“I am confident that this mutual exchange will proceed smoothly and I look forward to more in-depth cooperation in the future,” ani Queenie.
Samantala, ipinahayag ni Miss Universe Asia 2025, Zhao Na ang kanyang kaligayahan at paghanga sa pagbisita niya sa Pilipinas.
“I have always admired the Philippines for its excellence and passion for pageantry,” pahayag ni Zhao Na.
Aniya pa sa naging journey niya sa pagsabak sa Miss Universe 2025, “The whole process of joining the competition made me recognize myself again.”
“It’s not just the crown. It’s a journey, the journey is really beautiful, and you’ll cherish it forever. It means so much in our lives,” sabi pa niya.
Ang mga pinakamahalagang panauhin na ito mula sa Miss Universe China ay magiging bahagi sa finals night ng Miss Universe Philippines ngayong gabi.
Ito ang magpapaangat sa mala-pistang pagdiriwang ng Miss Universe Philippines ngayong taon, na magiging isang napakahalaga at kahanga-hangang kaganapan para sa dalawang organisasyon
Ang pagbisita ng Miss Universe China sa Pilipinas ay nagbibigay diin sa interes ng organisasyon na maranasan at maunawaan mismo ang kultura ng pageant sa bansa na nagpapakita ng strong production value, passionate audience, at world-class candidates.
Higit pa rito, pinagtitibay nito ang ugnayan sa pagitan ng mga international pageant communities, kung saan ipinagdiriwang ang ibinabahaging halaga ng kagandahan, kapatiran, empowerment at kultura sa pandaigdigang tanghalan.
The post Miss Universe Asia 2025 Zhao Na bilib na bilib sa Philippine pageantry appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments