Vice Ganda may kalokang hirit sa 'tattoo girl' sa sex video ng 'The Big 4' 
Ron Angeles, Vice Ganda at Nikko Natividad

AWARE na aware rin ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda hinggil sa sunud-sunod na pagkalat ng sex video scandal ng ilang male celebrities.

Kabilang sa mga naging biktima nito ay ang tinaguriang “The Big Four” na sina Nikko Natividad, Ron Angeles, Gil Cuerva, at Arron Villaflor.

Ang paniniwala ng halos lahat ng nakapanood ng private video ng mga naturang artista ay iisang babae lang ang kanilang naka-sex base na rin sa mga tattoo nito katawan.

Nang makachikahan ng BANDERA si Vice kasama ang ilang opisyal at members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ay nahingan siya ng reaksyon tungkol sa kontrobersyal na video scandal ng ilang male celebrities.

“Alam mo, pinag-uusapan namin kanina. Sabi ko, kailangang may gumawa ng documentary tungkol sa babaeng yun,” ang chika ni Vice Ganda.

May nagkomento naman na tatlong magkakaibang babae ang mga naka-sex ng The Big Four at iba pang kilalang personalidad.

“Di ba same girl?” reaksyon ni Vice. Pagpapatuloy niya, “Sa history yata ng Pilipinas, sila yung may pinakamaraming napangas na artista, di ba?!

“Kailangang pag-aralan. Sino sila? Paano nila ginagawa iyon? Ano ang dahilan nila? Ano ang intensyon nila?

“Anong buhay meron sila? Ano talaga ang trabaho nila? Di ba? Sabi ko, parang ang gandang docu nu’n,” sey pa ng “It’s Showtime” host.

Noong kasagsagan ng isyu ng pagkalat ng mga video scandal, naglabas ng statement ang Film Academy of the Philippines (FAP), “The Academy has received disturbing news about intimate videos being distributed online without the consent of the actors. 

“We condemn such gross acts which violate rights to privacy and dignity.

“We strongly encourage victims to reach out to the Film Academy of the Philippines, and we will help you contact the appropriate authorities to file cases if necessary.”

Pahayag ni Vice about this, “Dapat talagang merong sumuporta sa biktima, di ba? Merong matakbuhan yung mga biktima, di ba?

“Lalo na yung mga artista, malaki ang epekto nito negatively kahit kaninong tao. Pero pag may pangalan kang pinagkakakitaan, di ba, makakaapekto ito sa ekonomiya mo. O, sa hanapbuhay mo, sa pagkatao mo.

“Sa kabuuan ng pagkatao mo, di ba? So, kailangan talaga merong tumulong at sumaklolo sa mga biktima para magkaroon din ng tamang paglalagyan ng mga bagay at ng mga tao,” sabi pa ni Vice.

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi puwedeng mag-victim blaming, e. Na nangyari ito, kasi, hindi ka nag-ingat. Ang mabe-blame lang natin… hindi ito dapat nangyari to begin with, lalo na kung may asawa sila, may partner sila. 

“So, yun ang maaano natin doon. Mako-call out natin. Na dapat, to begin with, hindi ito nangyari. Kasi may asawa sila, may partner sila.

“Pero yung pagiging biktima, ano yun. Ang isisisi natin, doon sa nambiktima, di ba? Anong intensiyon mo?” aniya pa.

The post Vice Ganda may kalokang hirit sa ‘tattoo girl’ sa sex video ng ‘The Big 4’  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed