Robin kay Bato sa umano’y arrest warrant: Huwag ka nang magpakita!

HUWAG ka nang magpakita!
Ito ang payo ni Senador Robin Padilla sa kapwa-senador na si Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng kumakalat na balitang may inilabas umano ang International Criminal Court (ICC) na arrest warrant laban sa huli.
Sa panayam sa DWIZ nitong Sabado, May 9, sinabi ni Padilla na matagal na raw niyang ipinapaalala kay Bato na umiwas munang magpakita sa publiko habang hindi pa malinaw ang isyu.
“There have long been rumors like that, but until I actually see a warrant, I always remind my idol…‘Don’t show yourself in public,’” sey ng actor-politician, na iniulat ng INQUIRER.
Baka Bet Mo: Robin sakaling hulihin si Bato sa Senado: Mamamatay na kaming dalawa du’n
Nauna nang iginiit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na wala pa umano silang natatanggap na arrest order laban sa dating hepe ng Philippine National Police (PNP).
Tinanong din si Padilla kung may alam ba siya sa kumakalat na ulat na naipadala na umano sa Interpol ang warrant laban kay bato.
Ngunit inulit lang niya ang payo rito: “That’s always my advice to him: Don’t show yourself in public.”
Si Sen. dela Rosa ay nagsilbing hepe ng PNP noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at naging isa sa mga pangunahing personalidad sa kontrobersyal na war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Matatandaang pinangalanan noon ng ICC si ang dating PNP chief bilang isa sa mga umano’y co-perpetrators sa sinasabing extra-judicial killings kaugnay ng kampanya kontra droga.
Samantala, kasalukuyang nakadetine si Duterte at nakatakdang litisin sa The Hague, Netherlands.
Bagama’t aminadong handa siyang tulungan ang mga awtoridad sakaling lokal na law enforcers ang maghahanap kay dela Rosa, iba raw ang usapan kapag dayuhan na ang sangkot.
“If it were Philippine law enforcers looking for Bato, I myself would surrender Bato. But as long as they are foreigners, my heart cannot bear it,” pag-amin ng senador.
Ipinakita rin ni Padilla ang kanyang pagiging makabayan habang itinuturo ang watawat ng Katipunan sa likuran niya.
“If I will surrender Bato, that is a betrayal to (Andres) Bonifacio,” giit pa niya.
Ibinunyag din ng senador na kamakailan lang ay nagkita sila ni Bato at inilarawan niya itong “very fit, ready for war.”
“Well, he’s not a wanted man. I mean, he’s not a criminal. So anytime he calls me, I come…We just saw each other recently,” kwento niya.
Depensa rin niya, hindi umano pinababayaan ni dela Rosa ang kanyang trabaho bilang senador kahit matagal na itong hindi nakakadalo sa mga sesyon.
Ayon sa ulat, hindi na nakakadalo sa Senate sessions si Bato simula pa noong November 10 dahil sa kinahaharap nitong sitwasyon.
The post Robin kay Bato sa umano’y arrest warrant: Huwag ka nang magpakita! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments