Matet tinalakan epal na bashers: Mga amoy tuyo’t tinapa na kayo!

“HUWAG kasi kayong pakialamera sa buhay ng iba!” ang bwelta ng aktres na si Matet de Leon sa mga bashers na patuloy na nanggugulo sa kanilang pamilya.
Binoldyak uli ni Matet ang mga netizen na walang alam gawin kundi ang umepal at makialam sa buhay ng ibang tao.
Matapang uling nag-post si Matet sa Facebook ng kanyang saloobin laban sa mga taong mahilig magkomento nang kanegahan sa personal na buhay ng kanilang kapwa pero nagagalit naman kapag pinatulan.
“Manahimik kayo, tignan ninyo mananahimik din kami. Huwag kasi kayong pakialamera sa buhay ng iba.
Baka Bet Mo: Matet de Leon tinawag na KAMPON, gumanti: Saksak n’yo sa pwet n’yo!
“Pag sinagot kayo, galit naman kayo. Anong gusto ninyo? Magpa api kami sainyo? Aba,” ang banat ni Matet sa mga FB users na nagkokomento sa kanyang mga post lalo na sa mga hugot niya tungkol sa isyu ng mana.
Binengga rin ni Matet ang mga tinawag niyang mga “tsismosa” sa social media o online world.
“Magsiligo kayo. Nangangasim na kayo kaka chismis ninyo. Mga amoy tuyo na at tinapa,” ang pang-aasar ng aktres sa mga “negatron” sa socmed.
Nauna rito, inamin ni Matet na totoong nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng nag-iisang biological son ni Superstar Nora Aunor, kabilang na ang pag-announce nito na siya ang solong legal na tagapagmana ng kanilang inang si Ate Guy.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, natanong kung may away ba silang apat na magkakapatid kay Ian. Sagot ni Matet, “Actually, hindi ko po masabing away but misunderstanding, Tito Boy.”
Tungkol sa sinabi ni Ian na siya ang legal at nag-iisang tagapagmana ng mga naiwan ni Ate Guy, “Totoo naman po, eh. Wala naman pong pagdududa do’n. Kumbaga, kahit nga hindi na niya sabihin, eh. Understandable. Alam na po ng lahat ‘yan.”
May naiwan bang ari-arian sa kanila ang ina at kung meron ba talaga itong Last Will and Testament, ani Matet, “’Yung mga properties, madami po talaga. Kasi mga in-invest po nila ni lola. But ‘yung last will, hindi ko po alam kung meron and hindi ko na po inaalam.”
The post Matet tinalakan epal na bashers: Mga amoy tuyo’t tinapa na kayo! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments