Responsive Ad

Trulili ba, Bugoy Drilon nagparetoke para maging kamukha ni Derek Ramsay?!

Trulili ba, Bugoy Drilon nagparetoke para maging kamukha ni Derek Ramsay?!
Bugoy Drilon at Derek Ramsay

SUMAILALIM nga ba sa pagpaparetoke ang singer na si Bugoy Drilon kaya naging ka-lookalike na niya ngayon si Derek Ramsay

In fairness, marami na ang nakakapansin na parang mas pumuti at gumuwapo raw ngayon Bugoy base na rin sa mga ipino-post niyang mga litrato at video sa social media.

Ibang-iba na raw ang awrahan niya kung ikukumpara sa itsura niya noong unang makilala at sumikat matapos maging runner-up sa singing reality show ng ABS-CBN na “Pinoy Dream Academy” Season 2 noong 2008.

In fact, sa latest pictures niya sa socmed ay maraming nag-akalang siya ang estranged husband ni Ellen Adarna na si Derek Ramsay. Isa na nga riyan si R&B singer Kris Lawrence.

May mga pumuri at natuwa sa pag-glow up ni Bugoy pero may isang netizen ang nang-okray sa kanya at inakusahan siyang nagparetoke.

“Retokado! di naman ganyan itsura mo dati,” ang panlalait ng basher sa post ni Bugoy kung saan makikita siyang nasa loob ng isang kotse.

Pumalag si Bugoy sa pambebengga ng basher at sinabing wala siyang  ipinagalaw sa kanyang face.

“Maging mabuting tao yan po secreto.. all natural po yan,” ang sagot ng singer.

Hirit naman ng netizen sa kanya, “Sus antagal ko ng mabuti , di naman nagbago itsura ko.”

Paliwanag ni Bugoy sa basher, “Sunog lang po ako dati sa araw at payat.

“Syempre my tulong na din ng facial cleaning and skin treatment. yan na sinabi ko ma sayo lahat ng secreto hehehe,” aniya pa. Hindi na nangatwiran ang netizen.

Narito naman ang ilan sa mga nabasa naming comments ng netizens sa chikang nagparetoke raw si Bugoy.

“Ganyan na face nya.tumaba at pumuti Kase sya.babae lang ba pwede mag glow up.”

“Hala, nag glow ka na baga. Level up na kapogian mo manoy!”

“Grabeeee porket nag glow up retokado na.”

“Glow up po ang tawag dyan. Pag pumangit Sabihin nyo naman bakit di nag improve eh ang tagal na sa music industry. Ang hirap nyong pasayahin.”

The post Trulili ba, Bugoy Drilon nagparetoke para maging kamukha ni Derek Ramsay?! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments