Responsive Ad

Bea Millan-Windorski may chika: Ralph de Leon may naka-date na MUPH delegate

Bea Millan-Windorski may chika: Ralph de Leon may naka-date na MUPH delegate
Bea Millan-Windorski, Ralph de Leon

MAY naibunyag ang bagong Miss Universe Philippines 2026 na si Bea Millan-Windorski tungkol sa actor-host na si Ralph de Leon!

Sa guesting ni Bea sa programang “Fast Talk with Boy Abunda,” binalikan niya ang naging aberya sa microphone ni Ralph noong coronation night ng national pageant.

Habang ipinapaliwanag ang eksena, aminado si Bea na hindi nila napigilang humagikgik backstage.

“Actually, while that was all happening, I was on stage [and] we’re kind of giggling because it’s a bit unfortunate [that] four times in a row the microphone doesn’t work. But we also saw some reaction from the Miss Universe Philippines Organization as well,” pag-alala ng beauty queen.

Baka Bet Mo: Bea Millan-Windorski wapakels na mabansagang mangga

At sa gitna ng biruan, tinukso pa ni King of Talk Boy Abunda si Bea kung nakikita nilang “cute” si Ralph kaya sila tumatawa na tila kinikilig.

Diretsahang sagot naman ni Bea: “Hindi talaga kasi may jowa ako.”

“Pero we were laughing because Ralph had previously gone on a date with one of the co-delegates that I am very close with,” pagbubunyag niya.

Walang pangalan at walang detalye kung kailan pero agad itong nagpaingay sa online world, lalo na’t patuloy ang usap-usapan tungkol sa personal life ni Ralph.

Isa na riyan ang umano’y namumuong relasyon nila ng actress na si AZ Martinez, na nakasama niya sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

Ilang beses na rin silang spotted na madalas magkasama, lalo na ‘yung kanilang trip sa Siargao noong Enero.

Naging present din si AZ sa coronation night ni Bea, kaya lalo pang uminit ang espekulasyon ng mga Marites online.

Sa ngayon, wala pang pahayag si Ralph tungkol sa rebelasyon ni Bea.

The post Bea Millan-Windorski may chika: Ralph de Leon may naka-date na MUPH delegate appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments