Responsive Ad

Bea Borres sa tatay ng anak: Hindi ako mabait…nasasaktan ko rin siya

Bea Borres sa tatay ng anak: Hindi ako mabait...nasasaktan ko rin siya
Bea Borres at Baby Hope

AMINADO ang aktres at social media personality na si Bea Borres na matalak at mabunganga siyang partner.

Nagpakatotoo si Bea sa kanyang nararamdaman at naging journey sa pagiging single mom at sa paghihiwalay nila ng tatay ng kanyang anak.

Sa interview ng “Fast Talk with Boy Abunda”, sinabi ni Bea na mula nang maghiwalay sila ng dating karelasyong si Meray Yamada, ang nanay na nito ang naging ka-co-parent niya sa pag-aalaga sa baby.

Inusisa ng King of Talk kung kabahagi ba ang tatay ng kanyang anak bilang co-parent, sagot ni Bea, “I”m co-parenting with his mom.”

Sinubukan din daw niyang gawing present ang lalaki sa buhay ng kanilang anak pero talagang kulang ang effort ng kanyang dating dyowa.

“Tito Boy, I tried. Ipinakita ko, nagsama kami, nag-acting kami na para kaming pamilya. Pero bumalik lahat ng sakit,” rebelasyon ni Bea.

Patuloy pa niya, “When I was pregnant, wala talagang anything tapos ngayon, kahit sabihin ko na ‘ayoko, ikaw mag-adjust for me,’ nag-expect pa rin ako na he would try. 

“Nakalabas na daughter namin, pero wala talaga,” ang dagdag na pahayag ni Bea.

Pagpapatuloy pa niya, “One thing I learned about men is if they really wanted to, they would. 

“Kahit anong sabihin kong ‘ayoko, ‘wag mo kitain anak ko,’ pupuntahan niya kasi gusto niya. Dahil anak niya yon. Pero walang ganu’n,” saad pa niya.

Mabunganga at matalak din daw siya sa mga lalaki kahit alam niyang ayaw ng mga lalaki ang ganu’n.

“Kailangan ko i-point out yung mistakes niya, and hindi ako mabait. Feeling ko, nasasaktan ko rin siya,” aniya.

Matatandaang isinilang ni Bea last December, 2025 ang kanyang anak na si Baby Hope na nanatili ng 44 days sa neonatal intensive care unit (NICU) bago makalabas ng ospital.

Mismong si Bea rin ang nagsabi na isang buwan pa lang silang magkarelasyon ng ex-dyow nang mabuntis siya. 

The post Bea Borres sa tatay ng anak: Hindi ako mabait…nasasaktan ko rin siya appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments