AJ Raval sure na sure na hindi nambababae si Aljur: Sobrang loyal niya!

OKAY na okay ang relasyon at pagsasama ngayon nina AJ Raval at Aljur Abrenica bilang live-in partners.
Ipinagmamalaki ng aktres at dating Vivamax Queen si Aljur bilang isang responsableng haligi ng tahanan at mabait na tatay sa kanilang mga anak.
Sa guesting ni AJ recently sa “Fast Talk with Boy Abunda”, kinumusta ng King of Talk ang pagsasama nila ni Aljur at kung anong klaseng partner ang hunk actor.
“Okay po kami. Iba’t ibang relationship po ‘yung mayroon kaming dalawa, minsan magkapatid, magbarkada, mag-partner, minsan mag-nanay, mag-tatay,” sagot ni AJ.
Aminado naman ang dating sexy actress na tulad ng ibang magkarelasyon ay nagkakaroon din sila ng away at pagtatalo ni Aljur.
“Minsan, umabot na rin kaming nagsigawan kami, madalang na madalang. Kagabi, nag-away kami, pero bulungan lang,” natawang sabi ng aktres.
Ibinuking din ni AJ na noong nagsisimula pa lang ang relasyon nila ni Aljur ay maraming babaeng umaaligid dito. Meron pa nga raw nagpupunta talaga sa bahay ng aktor.
“Tapos lumilipas ‘yung panahon, siguro nakaka-realize po siya kung ano ‘yong tama at hindi tama. Ngayon po, we are okay. Wala po kaming nagiging problema pagdating sa ibang tao,” aniya.
Talagang nag-e-effort daw si Aljur para bigyan siya ng assurance sa relasyon nila at para hindi rin siya mag-alala.
“Sobrang loyal niya. At ‘yun ang foundation ng relationship namin, loyalty,” sey pa ni AJ na may tatlo nang anak kay Aljur.
The post AJ Raval sure na sure na hindi nambababae si Aljur: Sobrang loyal niya! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments