Responsive Ad

Darren Espanto wish ding magkapamilya: I wanna have a wife and kids

Darren Espanto pangarap ding makapamilya: I wanna have a wife and kids
Darren Espanto

SINGLE pa rin hanggang ngayon ang Kapamilya singer-actor at TV host na si Darren Espanto.

Hindi raw niya priority ang magkaroon ng dyowa at pumasok sa isang seryosong relasyon at mas gusto niyang mag-focus muna sa trabaho at career.

Sa interview ng online show na “Oh My Gan!”, napag-usapan ang tungkol sa kanyang love life kung saan inamin ni Darren na wala pa rin siyang girlfriend ngayon.

“I would never close doors to love. Pero ngayon, parang di ko naman siya priority. It’s not like I’m looking to be in a relationship right away,” ang pahayag ng binata.

Pero sinabi ni Darren na gusto pa rin niyang magkaroon ng sarili niyang pamilya pagdating ng tamang panahon.

“I wanna have kids. I wanna have a wife and stuff like that. I just don’t know when,” pahayag ni Darren.

Ayon pa sa aktor at singer, noon daw ang plano niya ay mag-asawa pagsapit ng mid-20s pero nagbago raw ito habang lumilipas ang panahon.

“I feel like my generation is so career-driven also. We’re also scared to lose what we have now,” ani Darren.

Sa tanong kung ano ang nais niyang legacy na maiwan sa madlang pipol, “I’d like my work to speak for itself later on. Kahit wala na ako sa mundo, gusto kong maalala pa din ng mga tao sa mga mabuti kong nagawa.”

“Not just for my performances and my music, but also as a person,” aniya pa.

Bukod dito, magiging legacy din niya sigurado in the future kung magiging tatay siya.

The post Darren Espanto wish ding magkapamilya: I wanna have a wife and kids appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments