Joshua Garcia may rebelasyon sa love scene nila ni Ivana Alawi sa ‘Love Is Never Gone’

INAMIN ni Joshua Garcia na tumayo siyang audioman sa shooting ng “Love is Never Gone” sa Morocco kung saan sila nanatili ng dalawang linggo.
Bagama’t full production ng “Love is Never Gone” ang kasama sa Morocco ay kinailangan din nilang tumulong para mapabilis ang shoot.
“Nag-audioman ako ro’n hawak ko (boom mic) tapos nagku-cue rin ako ng mga talents kasi ang laki ng lugar na pinagsyu-syutingan namin kulang kami sa tao minsan na magku-cue (ako),”kuwento ni Joshua kina Direk JP Habac at Tonette Jadaone nang mag-guest siya sa “Ang Walang Kuwentang Channel” na napapanood sa YouTube channel.
Balik tanong ng female director, “Taray, naga- AD (assistant director)?”
Baka Bet Mo: Ivana Alawi naloka sa laplapan nila ni Joshua Garcia: ‘Higop King!’
“Oo double pay ‘yun, eh,” kaswal na sabi ni Joshua sabay tawanan ang tatlo.
Dagdag pa, “tulung-tulong na rin kasi kami para mas mapabilis din kasi gusto ko na ring pumak-ap.”
Kapag rest day ay, “inaaliw namin ang mga sarili namin doon, umaarte rin kami kapag rest day at kumain kami sa Filipino restaurant doon, nagpakain kami ni Ivana sa Essaouira kung saan nag shoot ang Games of Thrones. Kasi kapag ang tagal mo na sa lugar hahanapin mo na ang Filipino food,” esplika ni Joshua.
Nakatipid daw ang production sa talents sa eksenang camp fire scene na kinunan sa Agafay desert dahil ang daming turistang pumunta na inakalang may show na magaganap na hindi alam na set-up lang para sa shooting.
Nakuwento ni direk Tonet na maganda magshoot sa ibang bansa dahil ang ganda ng kuha ng kamera at kahit saan mo ilagay o i-anggulo ay maganda ang kuha.
“Unlike dito sa Pilipinas ay may Toda (traysikel), ay may aso ha, ha, ha, ha” tumawang sabi ng direktora na ikinatawa rin nina direk JP at Joshua.
Sang-ayon din si Joshua, “ganda ng kuha ‘no, ang lambot pag sa ibang bansa, kahit hindi ka na mag make up ang ganda ng shots kasi ang lambot na.”
Tatlong bansa na ang narating ng aktor para mag shoot sa Barcelona, Spain para sa pelikulang “Barcelona: Love Untold”, 2016; “Unbreak My Heart” (2023) na nag-shoot sa Lucerne, at Zurich Switzerland at itong “Love is Never Gone” sa Morocco.
Isa pang kinuwento ng aktor ay ang lovescene nila ni Ivana ay sa Morocco Tent sa Agafay desert kinunan at dahil indoor naman ay kinunan ito sa Pinas.
“Sinet up ng PD (production design) kasi bawal mag love scene sa Morocco kasi Muslim country.”
“Tama naman kasi mas effective ‘yun kasi sobrang mahal sa ibang bansa kapag interior lang (matagal nang ganito ang ginagawa). Minsan nga natatawa ako kunwari Paris (France), so, Paris (interior), ang gagawin ng PD pag hindi masyadong brainy maglalagay ng picture ng Eiffel Tower. Sa kuwarto ba natin may mga picture tayo ng Luneta Park? Kaya pag napanood ng sasabihin, ‘ay sa Paris ito kasi may picture siyang Eiffel Tower.’”
Mapapanood na ang “Love is Never Gone” sa Mayo 8, Biyernes sa Prime Video handog ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN Studios.
The post Joshua Garcia may rebelasyon sa love scene nila ni Ivana Alawi sa ‘Love Is Never Gone’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments