Jinggoy itinangging ‘scripted’ ang Senate shootout: ‘Ang dami namin doon!’

PINABULAANAN ni Sen. Jinggoy Estrada ang mga alegasyon at pagdududa na “scripted” o “staged” ang nangyaring barilan sa loob ng Senado noong Miyerkules ng gabi, May 13.
Paliwanag ni Estrada, kumakain sila ng ilang kasamang senador sa opisina ni Senate President Alan Peter Cayetano sa ikalawang palapag ng gusali at hinihintay ang pagdating ng Articles of Impeachment nang marinig nila ang mga putukan.
Kwento niya, inakala ni Sen. Joel Villanueva na “fireworks” lamang sa malapit na shopping mall ang kanilang naririnig, ngunit nagtaka na sila nang pagsilip nila sa bintana ay wala naman nagaganap na “aerial fireworks display.”“Doon sa mga malilisyoso ang utak na kami daw ang nag-staged ng incident nu’ng Wednesday, first of all hindi ako magla-live video, okay?” diin ng senador.
Baka Bet Mo: Estrada nilinaw: CCTV footage hindi para itago kundi para sa ebidensya
Tinangka pa raw nilang lumabas ng opisina nang sunod-sunod na ang mga putok ng baril, ngunit hindi na sila pinalabas para na rin sa kanilang seguridad.
Iginiit pa ni Estrada na hindi nila ilalagay sa kompromiso ang kaligtasan ng mga kawani ng Senado, gayundin ang mga mamamahayag.
“Tell me, kung iniisip niyo na kami ang nag-staged nung incident. Tell me, who in particular? Kasi kabado kaming lahat eh, kung kami ang sugurin ‘dun. Andami naming mga senador ‘dun, ‘andaming mga civilian employees dun,” sey niya.
Muli niyang diin na hindi nila ilalagay sa panganib ang buhay ng napakaraming tao.
Magugunitang maraming social media posts at komento na nagpahayag ng kanilang pagdududa na “scripted” ang nabanggit na insidente.
The post Jinggoy itinangging ‘scripted’ ang Senate shootout: ‘Ang dami namin doon!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments