Responsive Ad

DOJ nagbabala: Bato dela Rosa aarestuhin kapag nagtangkang umalis ng Pilipinas

DOJ nagbabala: Bato dela Rosa aarestuhin kapag nagtangkang umalis ng Pilipinas
PHOTO: Screengrab from YouTube/INQUIRER.net

AGAD aarestuhin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kapag nagtangka siyang lumabas ng bansa.

Ito ang naging babala ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng warrant of arrest na inilabas laban sa senador ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, mahigpit na inatasan ang mga law enforcement agents at border control authorities na bantayan si Dela Rosa sakaling subukan nitong umalis ng Pilipinas.

“(The DOJ) will treat any attempt of Senator (Dela Rosa) to leave the country as a mockery of justice. And I’m giving specific orders to law enforcement agents, to our border control authorities, that if Senator (Dela Rosa) would try to leave the country, the appropriate arrest should be given,” sey ni Vida sa isang press briefing nitong Biyernes, May 15, na iniulat ng INQUIRER.

Baka Bet Mo: Bato dela Rosa ginamit na pagkakataon ang Senate shooting para ‘makatakas’?

Si Dela Rosa ay itinuturing na ngayon na fugitive ng ICC kaugnay ng kasong crimes against humanity. 

Huli siyang nakita sa Senado noong Miyerkules ng gabi, May 13.

Paliwanag ni Vida, handang tumupad ang gobyerno sa obligasyon nitong arestuhin at isuko ang mga taong may kinahaharap na kaso sa international tribunal.

Dagdag pa niya, hinihintay na lamang ng Executive department ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ni Dela Rosa para sa temporary restraining order (TRO) na layong pigilan ang kanyang pag-aresto.

“We expect that the appropriate turnover will be made to the [Department of Justice, or DOJ] once all the legal issues have been resolved for this arrest,” saad ni Vida.

Sa ngayon, nakaantabay umano ang DOJ dahil may pending petition pa si Dela Rosa sa Supreme Court.

Habang wala pang desisyon ang mataas na hukuman, sinabi ni Vida na maaaring maaresto ang senador sa pamamagitan ng immigration lookout bulletin order (Ilbo) na inilabas ng ahensya.

Nilinaw naman ng kalihim na ang Ilbo ay hindi direktang nagbabawal sa isang tao na umalis ng bansa, hindi tulad ng hold-departure order na kailangang manggaling sa korte.

“Once the immigration authorities hold him at the border…(they) will contact our law enforcement agents and (they) will arrest him,” paliwanag niya.

Ayon pa kay Vida, kahit matagpuan si Dela Rosa sa ibang bansa ay pareho pa rin ang magiging direktiba.

Nang tanungin kung ano ang magiging basehan ng pag-aresto, diretsahang sagot niya: “Because of the arrest warrant. We will definitely submit to the request of the ICC.”

Hindi rin umano hihingi ng tulong ang DOJ sa Interpol para tugisin si Dela Rosa at direkta lamang itong susunod sa arrest warrant ng ICC.

Ayon kay Vida, iba ito sa naging proseso noon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“In this case, it’s not the Interpol—it’s the ICC itself,” aniya.

Si Dela Rosa ay pinangalanang co-perpetrator sa kasong crimes against humanity na kinahaharap ni Duterte sa ICC.

Binanggit din ni Vida na isa sa mga dahilan kung bakit maingat ang DOJ ay dahil senador pa rin si Dela Rosa at may nakabinbing desisyon pa ang Supreme Court sa petisyong inihain nila ni Duterte noong nakaraang taon laban sa pakikipagtulungan ng gobyerno sa ICC.

Kasabay nito, kinilala rin ni Vida ang hurisdiksyon ng ICC sa mga kasong nangyari bago umatras ang Pilipinas sa Rome Statute noong 2019.

Binanggit din niya ang desisyon ng Supreme Court noong 2021 sa Pangilinan v. Cayetano case na nagsasabing hindi nawawala ang obligasyon ng isang bansa kahit umatras ito sa ICC.

Samantala, bumuo na rin ang DOJ ng special panel of prosecutors para imbestigahan ang nangyaring pamamaril sa loob ng Senado kamakailan, kung saan mahigit 32 putok umano ang pinakawalan habang naroon ang mga staff at miyembro ng media.

Ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano, 27 sa mga putok ay nagmula umano sa mga tauhan ng Office of the Sergeant-at-Arms.

Matapos ang tensyonadong insidente, nakalabas umano si Dela Rosa sa Senado madaling-araw ng Huwebes, May 14.

Nang tanungin naman si Vida kung maaaring makasuhan ng obstruction of justice ang mga senador na posibleng tumulong sa pag-alis ni Dela Rosa, sagot niya: “I don’t want to preempt the investigation.”

The post DOJ nagbabala: Bato dela Rosa aarestuhin kapag nagtangkang umalis ng Pilipinas appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments