DENR muling nagtanim 2 Narra na pinutol sa Quirino Avenue

ITINANIM uli ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dalawang puno ng Narra na kanilang pinutol sa Quirino Avenue, Manila para maitayo ang Southern Access Link Expressway (SALEX), na siyang mag-uugnay sa Skyway at Roxas Boulevard.
Ang naturang mga puno ng Narra ay muling itinanim sa Hidden Garden Manila bilang parte ng initiative ng ahensya sa pagpoprotekta sa kalikasan habang pinagyayabong ang urban development.
Ibinahagi ni DENR Asec. Norlito A. Eneran sa media na maliban sa dalawang Narra, mayroon na silang 40 punong nailipat at muling naitanom sa iba pang parte ng lungsod, gaya ng Intramuros at PhilPost center island.
Baka Bet Mo: Monterrazas de Cebu ni Slater Young iimbestigahan na ng DENR
Sa ngayon ay mayroon nang 245 punong naputol ang DENR sa Quirino Ave., at sa lumabas sa assessment ng ahensya, 44% dito ay nabubulok na.
26% naman ay mayroong mga nakabuhol na kable at 19% ang umano’y patay na, lanta, o hindi kaya’y sira na. Tanging 11% lamang ang nakitang malusog pa.
Tinitiyak naman ng DENR na sa pamamagitan ng maayos na maintenance sa mga replanted na puno, magkakaroon ito ng 80% survival.
Una nang kinalampag ng mga netizens ang naturang pagpuputol ng puno sa kalsada.
Naging ang aktres na si Nadine Lustre ay naghayag ng kanyang pagkadismaya at sinabing “paatras” ang naging pag-iisip para aprubahan at isagawa ang pagpuputol ng mga puno para sa pagpapatayo ng isang imprastraktura.
The post DENR muling nagtanim 2 Narra na pinutol sa Quirino Avenue appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments