Max Collins may ipinaglalaban sa mga nanay: You can be a hot mom!

HINDI lang aksyon at kilig ang mapapanood sa upcoming series na “The Master Cutter” dahil maging si Max Collins ay may gustong ihatid na mahalagang mensahe tungkol sa motherhood at women empowerment.
Sa isang interview, naging bukas si Max tungkol sa kanyang journey bilang mommy sa anak niyang si Skye at kung paano niya gustong baguhin ang pananaw ng ilan tungkol sa mga nanay.
“As a mom, you can be a hot mom,” bungad niya.
Ayon sa aktres, napapansin niyang may stigma pa rin pagdating sa mga babae kapag naging ina na.
Baka Bet Mo: Max Collins humingi ng ‘basbas’ kay Marian para sa tambalan nila ni Dingdong
“I feel like that’s a topic we’ve been talking about lately. People think there’s a stigma when you’re a mom. You should look like this. This is what a good mom should look like,” saad niya.
Para kay Max, hindi dapat mawala ang kumpiyansa ng isang babae sa sarili dahil lang naging nanay na siya.
Dagdag niya, posible pa ring maging strong, smart, at empowered habang ginagampanan ang responsibilidad bilang ina.
“Moms can have it all. They can be hot. They can be smart. They can be a good mom. I think that’s what I want to relate to moms now. I want to empower them as a woman,” giit niya.
Samantala, mapapanood si Max sa bagong action-drama series na “The Master Cutter” kung saan makakatambal niya si Dingdong Dantes.
Ginagampanan ni Dingdong ang karakter ni Anthony “Atoy” Padua, isang mahusay na Scout Ranger na namumuhay bilang simpleng mananahi habang palihim na nagtatrabaho bilang hunter-for-hire at tracker.
Dito niya makikilala at mamahalin ang karakter ni Max na si Elaine.
Kasama rin sa cast sina Shuvee Etrata, Paolo Contis, Joey Marquez, Tonton Gutierrez, Polo Ravales, Ketchup Eusebio, Max Eigenmann, at Rio Locsin.
Streaming na ang “The Master Cutter” sa Netflix, habang ipapalabas naman ito sa free TV sa May 11.
The post Max Collins may ipinaglalaban sa mga nanay: You can be a hot mom! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments