Walang pagtaas sa presyo ng basic goods hanggang May 10 – DTI

Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi tataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang sa darating na Mayo 10.
Sa inilabas na pahayag ng DTI, ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr., na protektahan ang mga konsyumer sa epekto ng krisis sa langis.
Ilan sa mga hindi tataas ang halaga ang sardinas, de-lata na karne, instant noodles, gatas, kape. tinapay, bottled water, suka, toyo, sabong panlaba, kandila, asin at sabong panligo.
Baka Bet Mo: Walang taas-presyo sa basic goods hanggang April 30 –DTI
Kasabay nito ang pagtitiyak ni Trade Secretary Cristina Aldeguer-Roque na may sapat na suplay ng lahat ng mga pangunahing pangangailangan ng mga konsyumer.
Ito aniya ang dahilan kaya’t iwasan ang panic-buying at ang labis na pag-iimbak ng mga pangunahing pangangailangan.
The post Walang pagtaas sa presyo ng basic goods hanggang May 10 – DTI appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments