Susan Africa ‘nilaro’ ng netizens, level up mula ‘ubuhing mahirap’
KINAALIWAN at binati ng mga netizens ang beteranang aktres na si Susan Africa matapos bumandera ang bago niyang role.
Kasama si Susan sa cast ng pinakabagong action-drama series ng ABS-CBN na “Blood vs Duty” na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.
Pinagtripan ng mga fans ang bagong karakter ng aktres sa nasabing serye dahil sa wakas daw ay hindi na mahirap at “ubuhin” ang role niya.
In fairness, isang doktor naman ang gagampanan ng veteran actress sa serye bukod pa sa pagiging nanay ng karakter ni Richard.
Ibang-iba nga ito sa mga nakaraan niyang role, tulad na lang sa isa na namang “mahirap level” na karakter na ginampanan niya sa nagtapos na action series ng ABS-CBN na “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin.
Sa naganap na presscon ng Kapamilya series na “Blood vs Duty”, humirit ng pabirong tanong si MJ Felipe si Susan kung inuubo ba uli ang role niya.
“Ay hindi,” sagot ng aktres. Sa katunayan ito raw ang unang pagkakataon na gaganap siyang doktora.
Maraming salamat sa suporta at patuloy na panonood. And yes, wala po akong ubo bilang Dra. Teresa Reyes,” ang game na game na chika ni Susan patungkol sa mga memes na ginawa ng netizens.
Binansagan ang aktres bilang “Star For All Ubo” dahil madalas nga siyang gumanap na mahirap, sakitin at ubuhing nanay sa mga teleserye at pelikula.
In fact, bumida pa siya sa isang TV commercial noong 2024, para sa isang gamot para sa ubo, kung saan nga siya binigyan ng titulong Star For All Ubo.
Sa nasabing commercial, ibinandera ni Susan ang kanyang talento sa acting at ipinakita ang iba’t ibang klase ng pag-ubo.
Unang nagmarka si Susan sa mga manonood sa pagganap niya bilang “Susan” sa iconic soap opera na “Mara Clara” na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes noong dekada 90.
Narito naman ang komento ng mga netizen sa pagganap na doktora ni Susan Africa:
“Kaya nyo na po gamutin sarili nyo pag inuubo na po kayo. Hehehe.”
“Congratulations Tita Susan.”
“Doktor na siya ng mga inuubo.”
“Happy for you Ms. Susan nag level up na role mo, hnd na mahirap, katulong o binubugbog lagi ng asawa.”
“Ah sa BLOOD VS DUTY PALA. yes. Congrats Ms Susan Africa.”
The post Susan Africa ‘nilaro’ ng netizens, level up mula ‘ubuhing mahirap’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments