Responsive Ad

NBI nagbabala sa mga nanghihingi ng donasyon, tulong

NBI nagbabala sa mga nanghihingi ng donasyon, tulong

BINALAAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang publiko ukol sa mga mensahe na sinasabing nagmumula sa mga opisyal ng gobyerno at mga sikat na personalidad at nanghihingi ng donasyon.

Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag gumagamit ang mga sindikato ng “caller ID spoofing technology” para magmistulang lehitimo ang mga ipinakalat nilang mensahe.

Paliwanag pa ng opisyal sa pamamagitan ng teknolohiya ang mensahe ay lumilitaw na mula sa mga kilalang indibidwal.

Idinagdag pa niya na may mga pagkakataon  ang ginamit na numero ay konektado sa lehitimong linya kaya’t mahirap na mapatunayan na “scam” ang mensahe ng mga sindikato.

Ginagamit din aniya ang teknolohiya hindi lamang sa mobile phone numbers kundi maging sa email at social media platforms.

Karaniwan na mensahe ay ang pagkakapili sa nakatanggap nito na sila ay napili na sponsor o donor sa mga proyekto at aktibidades na pang-kawanggawa.

Upang hindi maloko, dagdag ni Matibag, makabubuti na humingi ng dokumento mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) o sa Securities and Exchange Commission (SEC).

The post NBI nagbabala sa mga nanghihingi ng donasyon, tulong appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments