Klea Pineda nagsumbong kay Janella: ‘Baby oh, inaaway ako’
LANTAD na lantad na ang relasyon nina Klea Pineda at Janella Salvador, base na rin sa mga ipino-post nila sa social media.
Hindi na itinatago ng dalawang aktres kung anuman ang namamagitan sa kanila kahit hindi pa rin sila diretsahang umaamin sa madlang pipol.
Pinagpiyestahan ng mga netizens ang TikTok post ni Klea kung saan makikita ang koleksiyon ng mga litrara nila together ng kanyang rumored partner na si Janella.
Sa isang picture ay makikitang may hawak na matcha coffee si Janella na siyang favorite drink ng aktres. Ani Klea sa caption, “Keeping the matcha supply steady.”
May isang netizen naman ang nag-comment sa post ng Kapuso actress na nagsabing, “Gets ko si klea, si janella hindi ko gets (laughing with tears emojis).”
Sagot naman ni Klea sa netizen, “Baby oh inaaway ako @Janella.”
Matatandaang noong March 30, 2026, tinawag din ni Klea si Janella ng “My Janjan” sa message nito para sa 27th birthday ng kanyang special someone.
Sa ipinost niyang video, maririnig ang message niya kay Janellla, “Masuwerte ang mga taong minamahal mo at isa na ako sa kanila.
“Masuwerte ako dahil nakilala kita, dahil ako ang nakakakita sa mga bahaging mas totoo na hindi madalas nasisilayan ng iba.
“Sa bawat simpleng ngiti mo, parang humihinto ang mundo at ikaw na lang ang natitira sa paningin ko.
“Happy Birthday, my Janjan. Ikaw ang tahimik kong tula at paborito kong himig sa mundong ito.”
The post Klea Pineda nagsumbong kay Janella: ‘Baby oh, inaaway ako’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments