Responsive Ad

Robin Padilla: Walang messiah na masasagip ang Pilipinas sa paglubog

Robin Padilla: Walang messiah na masasagip ang Pilipinas sa paglubog
Robin Padilla at Sara Duterte

MATAPANG ang naging pahayag ni Sen. Robin Padilla hinggil sa mga pinagdaraanang pagsubok at kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas.

Ipinagdiinan ng action star na naniniwala siyang walang darating na “messiah” o tagapagligtas na magsasagip sa gobyerno ng Pilipinas at sa posibleng paglubog nito.

Mababasa sa kanyang official Facebook page, “Mga kababayan,

(walang) darating na messiah sa sistema ng gobyerno natin at masasagip ang Pilipinas sa paglubog.”

Ang sinisiguro ng senador, makapagdudulot daw ng pagbabago sa bansa si Vice President Sara Duterte tulad ng nagawa nito sa Davao City.

Idagdag pa raw ang epektibong pamamalakad na ginawa noon ng ama ni VP Sara na si dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

“Si VP katulad ng nagawa niya sa Davao City, siguradong makapagdulot ng pagbabago sa pamamalakad katulad ni tatay (Digong),” aniya. 

Pagpapatuloy ng mister ni Mariel Rodriguez, “Pero para asahan natin ang unitary-presidential system of government na ito na magdadala ng pag unlad at mapantayan man lang ang (Vietnam) sa bilis ng pag angat ng ekonomiya. 

“Nangangarap ka nang gising, kabayan!” ang hirit pa ni Padilla. 

Nauna nang nag-react si Sen. Robin sa mga naglalabasang pangalan na sinasabing pwedeng maging next president ng bansa, “Ni wala ngang mga nagawa sa lokal nila ang mga yan.”

The post Robin Padilla: Walang messiah na masasagip ang Pilipinas sa paglubog appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments