Responsive Ad

Lauren Dyogi binalikan mga hirap para makasama ang BINI sa Coachella

Lauren Dyogi binalikan mga hirap para makasama ang BINI sa Coachella

NAGING bukas ang Star Magic and TV production head ng ABS-CBN na si Lauren Dyogisa mga pinagdaaanan na hirap para sa historic performance ng BINI sa Coachella sa California, USA.

Sa kanyang ibinahaging TikTok video series ay ikinuwento ng direktor at talent manager na nakakatanggap na sila ng mga inquiry para sa BINI dahil sa interes na nabuo mula sa career-defining moments ng girl group sa entablado dahil sa Coachella.

“I will not deny, nakakuha na kami ng certain inquiries and interests, so we’re meeting some people here for future collaboration and partnerships, for performances,” saad ni Direk Lauren.

Pagpapatuloy niya, “Hindi pa namin masabi kung ano man ‘yon, but at the right time, mararamdaman din natin ‘yung epekto ng Coachella performance nila and the mileage that we get.”

Baka Bet Mo: Lauren Dyogi sa Coachella ng BINI: Ito yung rocketship na napalipad mo na

Ani Direk Lauren, ngayong linggo ay may ia-announce silang bagong blessing na higit pa sa kanilang inaasahan.

Kuwento pa niya, maraming mga naging sakripisyo at pagsisikap ang ginawa ng team upang masiguro na makakapunta sila sa Coachella.

Bukod sa paglipad patungong Amerika na may mas maliit na team, nanatili sila sa mga inuupahang bahay at sila mismo ang nagluto ng kanilang pagkain, at iba pa.

Lahad ni Direk Lauren, “Planning pa lang for Coachella, ang dami na naming struggle financially… Kailangan naming magtipid. Whatever we were getting from Coachella was not enough to cover our expenses.

Amin niya, hindi lahat ay “glamorous” sa kanilang journey dahil ang tanging misyon nila sa Coachella ay mas maipakilala pa ang musikang Pinoy sa mas malawak na merkado.

Pinuri rin ni Direk Lauren ang girl group sa pagiging team players at pagiging maunawain sa mga hamong pinansyal ng ABS-CBN.

“The girls, I have so much respect for them dahil wala silang arte, wala silang reklamo. They are willing to rough it up.

“They carry their own stuff, cook for themselves, wash dishes, clean up,” sey pa ni Direk Lauren.

Naniniwala din siya na ang bawat pagsubok ay may kapalit na mas malaking biyaya.

“In 2020, we were supposed to launch [BINI] but we couldn’t do it because ang daming nangyari. There was a global issue of COVID and at the same time, there was the shutdown of ABS-CBN. We didn’t know kung anong mangyayari sa amin.

“This seems to be happening again… There is a global crisis that started in the year with a war in the Middle East, and then there’s another issue with ABS-CBN.

“Parang nauulit ‘yung nangyari before, but I suppose this can also be a good sign na something big will happen in the future.

“‘Pag maraming dagok ang dinaranas, parang we also receive a lot of blessings… And I suppose this (Coachella experience) is one of the biggest blessings not only for BINI, but also for ABS-CBN,” sabi pa ni Direk Lauren.

The post Lauren Dyogi binalikan mga hirap para makasama ang BINI sa Coachella appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments