Responsive Ad

Robin Padilla may pa-shoutout kay Dina Bonnevie dahil sa Eddie Garcia Law

Robin Padilla may pa-shoutout kay Dina Bonnevie dahil sa Eddie Garcia Law
Eddie Garcia, Dina Bonnevie at Robin Padilla

TODO ang pasasalamat ng aktor at public servant na si Sen. Robin Padilla sa award-winning veteran actress na si Dina Bonnevie.

Sobrang na-appreciate ni Padilla ang mga naging pahayag ni Dina patungkol sa pagpapatupad na Eddie Garcia Law sa entertainment industry.

Sa kanyang Facebook account, ni-repost ni Sen. Robin ang isang video kung saan nabanggit ni Ms. D kung gaano kahalaga para sa kanilang mga artista at production people ang naturang batas.

Isinunod ang nasabing batas sa pangalan ng namayapang showbiz icon at award-winning actor-director na si Eddie Garcia.

Ani Padilla sa caption ng ipinost niya sa FB, “Maraming salamat po, Binibining Dina Bonnevie sa pagkilala at pagpapahalaga sa Eddie Garcia Law. 

“Ikinagagalak ko po na ito ay napapakinabangan na sa ngayon ng ating mga kasama sa industriya ng pelikula at telebisyon. 

“Nang atin pong inihain ang Senate Bill 2505 o ang ‘An Act Protecting the Welfare of Workers in the Movie and Television Industry,’ ang nag-iisang hangarin ko po ay mabigyang-proteksiyon ang ating mga kasama sa industriya. 

“Kaya’t nang lagdaan ito ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr bilang isang ganap na batas (RA 11996) noong May 24, 2024, wala pong pagsidlan ang ating kasiyahan.  

“Nangangahulugan ito ng ligtas na working environment, makatarungang oras ng trabaho at tamang sahod at benepisyo sa lahat ng mga nagtatrabaho sa industriya ng pelikula, telebisyon at radyo.

“Dahil sa likod ng bawat eksena, may manggagawang dapat pinapahalagahan at pinoprotektahan,” ang buong pahayag ni Sen. Robin.

The post Robin Padilla may pa-shoutout kay Dina Bonnevie dahil sa Eddie Garcia Law appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments