Responsive Ad

Jellie Aw nilaglag ng 2 kapatid dahil sa kanilang ina, may pagbabanta 

Jellie Aw nilaglag ng 2 kapatid dahil sa kanilang ina, may pagbabanta 
Jo Aw, Jam Ignacio at Jellie Aw

BINARAG ng disc jockey na si Jo Aw ang kanyang kapatid na content creator na si Jellie Aw dahil sa isyu tungkol sa kanilang ina.

Sa paggunita ng Holy Week, hindi nagpaawat ang magkapatid sa patutsadahan sa social media na pinagpiyestahan ng mga netizens.

May konek sa usaping pera ang pambebengga ni Jo kay Jellie matapos mag-post ang huli sa kanyang My Day na tila pasaring sa mga kapatid.

Sa mga medyo nakalimot na, si Jellie ay ang dating karelasyon ni Jam Ignacio, na dati namang dyowa ng TV host-actress na si Karla Estrada.

Inakusahan noon ni Jellie si Jam ng pambubugbog na humantong pa mga sa demandahan pero may chika na nagkabalikan na umano ang dalawa.

Sa kanyang Facebook page, ni-repost ni Jo ang screenshot mula sa My Day ni Jellie kasama ang kanilang ina.

Mababasa rito ang text caption ni Jellie na, “I loveyou.. Busog nnamn ang bulsa ni mother [laughing in tears emoji] sana yung binibigay ko wag mo bigay sa mga kups eme!”

Hindi ito pinalampas ni Jo at binasag ang kapatid, “Tigilan mo kakapost ng masama samin jellie aw nanahimik na kami ilang buwan na? wala kang trip?

“Baka gusto mong sabihin ko lahat dito. siniraan mo na nga kami nanahimik lang kami kahit di naman totoo.

“Pinayagan namin pumunta ang mama sayo dahil lang sya nagpupumilit.

“Salamat ha sa ambag mong 10k sa hundred thousand na pang opera ng mama ko. kayo dahilan ng stress ng mama nuon kaya lumala sya. makonsensya kayo.”

Ang tila pagbabanta pa ni Jo, “MGA TOTOONG KILALA KO LANG MAY ALAM NG KWENTO DITO. TAG NYO O PA SS. DIYOS NA BAHALA SAYO

“NANG AAGRABYADO KAPA NG MGA TAHIMIK AT GUSTO NG PAYAPANG BUHAY.

“FOCUS KA SA BUHAY MO. WAG KANG PURO CLOUT SA BUHAY TANDA MO NA. MADAMI AKO GUSTONG SABIHIN PERO DAHIL MAY RESPETO PA KO SAYO WAG MO LANG INI-INVOLVED MAGULANG KO.”

Kasunod nito, nag-react din ang kapatid nina Jo at Jellie sa comments section ng naturang post at sinabing may relasyon pa rin daw si Jellie kay Jam.

Post ng bunsong kapatid ng dalawang DJ, “Tsaka, ate jellie, paano ako hindi magagalit? Malalaman ko na pinapahirapan ka ni Jam Ignacio ikaw mismo nagsabi na pagod kana at ikaw lang ang kumikilos sa pagla-live at pagbebenta.

“Tapos si Jam, walang ginagawa. tapos sasabihan kapa nakikipag ***han ka sa customer mo.

“Pinapalabas mo pa sa fb nun na hindi kayo nagkabalikan ni jam.”

Pagpapatuloy pa niya, “Sa mga nakakabasa ng comments, sobrang fragmented ng post nya. ‘Wag kayong papalinglang sa idol nyo, magaling sa ibang tao pero sa kadugo sobrang walang hiya.

“Kahit sa sariling magulang na lang, paanong hindi kagagalitan? Dalawang lalaki ipapasok mo sa bahay – na para bang dapat ok at tanggapin namin na nangloloko ka ng tao?

“Mapagsabihan ka ng malumanay or hindi. Palaging gusto mo tama ka di ka maawat sa mga maling bagay na ginagawa mo

“As early as Grade 1, mulat ako sa ginagawa mo kaya wag mo ittake against samin na kaya mo nagagawa yun para samin? Marami kang lalaking sinamahan na hindi para sa disksrte or kapalit kundi for fun.”

“Kaya ang gulo ng isip mo eh, wala kang peace of mind dahil sa sarili mong desisyon. Pinagsasabihan ka ng mga tropa mo pero laging napapsama pag di aayon sa gusto mo.

“Magsasalita ba kami magkapatid ng ganito kung di namin alam pano kana aawatin sa mali mo? 36 ka na, pero grabe yung seek ng validation mo sa ibang tao.

“Kala ko sa ibang tao ko lang makikita mga gantong pangyayari. Di ko akalain firsthand experience ko makkaaharap ng katulad mo na may ganyang pag uugali.”

“Matagal na kaming nananahimik sa mga paninira mo, Ate jellie. Sobra ka na. mag muka ka lang talaga mabait sa social media gagawin mo lahat paninira,” hinaing pa ng bunsong kapatid ni Jellie.

Pagsang-ayon naman ni Jo, “Di na para patulan yan be. yaan mo sila clear lang natin pagkatao natin.”

The post Jellie Aw nilaglag ng 2 kapatid dahil sa kanilang ina, may pagbabanta  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments