Jellie Aw ipinagtanggol si Jam Ignacio: Hindi totoong binugbog niya uli ako
MULING nakipagbardagulan ang DJ at content creator na si Jellie Aw sa kanyang mga kapatid matapos siyang akusahan ng kung anu-ano na may konek sa problema ng pamilya.
Sa Facebook, nag-post ng napakahabang open letter si Jellie kung saan naglabas siya ng sama ng loob sa kanyang mga kapatid dahil sa mga pinagsasabi ng mga ito laban sa kanya.
Isa na rito ang pagtatanggol niya sa dati niyang fiancé na si Jam Ignacio na inakusahan niya noon ng pambubugbog sa kanya. Para raw ito sa akusasyon ng bunso niyang kapatid.
“JUST TO CLARIFY Everything! Gusto ko din pagtanggol side ko bilang ATE na SOBRA na kayo! Ayoko mag post pero Wrong info na mga sinasabi nyo about samin
about sa mga Post ng Mga Kapatid ko.
“Sa TOTOO lang tayo mga Kapatid di natin kaylangan gumawa ng kwento. Unang una Sa kapatid kong Bunso hindi totoo yung pinag kakalat mo na binugbog ako ulit ni Jam.
“Wag naman ganyan naapektuhan negosyo ng tao my mga anak din yung tao na binubuhay,” simulang sabi ng DJ tungkol kay Jam Ignacio na dati ring dyowa ni Karla Estrada.
Pagpapatuloy ni Jellie, “After the issue Lumipad tayo ng buong Family Sa Japan dahil kay jam dahil gusto nya maging maayos ang lahat. YES! nag lalive selling ako pero mga GAMIT NI JAM at GAMIT ko yung nilalive namin para my pang TUITION ka at baon ka hindi lang yan para din my pang Bayad o pang dagdag sa panghulog monthly ni Jo sa kotse nya.
“Oo iniinda ko na nahihirapan ako kasi kami lang kumikilos sa bahay lagi kong tanong kay jam hanggang kelan kaya ako ganito? pano kaya pag nagkasakit ako pano kaya cla? kung tutuusin hindi na dapat para intndihin pa kayo o isipin pa kaso hindi namin kaya.
“Pede naman namin sarilihin nlang pero kasama kayo sa lahat ng plano namin. nag offer pa sa inyong magjowa yung tao na mag negosyo dahil nagpaplano kayo mag ibang bansa kaya nagusap kami na kami na muna maglalabas ng pera tapos bf mo yung mag hahandle ng MOBILE BAR tutal Bartenter sya at nakita ni jam na my potential at para lang di kayo mag ibang bansa dahil ayoko din maiwan mo anak mo.
“Tapos malalaman ko kaya kayo aalis ng bansa para mang scam yun ang magiging work nyo kaya mo yun? kaya dka natuloy kasi sabi mo mga tropa mo dapat nakauwi na pero ngayon dipa nakakauwi bigla ka kamo natakot.
“Kaya unfair naman sa tao na sabihan mo ng my pinapainom sakin na kung anong chemical kaya hindi ako makausap ng maayos? alam mong HATE nung tao yung DRUGS sorry ha kung di nyo ako makausap ng maayos at minsan lagi mabilis uminit ulo ko hanggang ngayon kasi dipa din ako makamove on na wala na si PAPA.
“Araw araw ko yung dinadala kaya hirap din ako matulog araw2x kaya gusto ko lasing akong uuwi para makakatulog agad, iniisp ko din kelan kaya ko magkakaroon ng sariling pamilya?
“Dapat dati pako my pamilya pero lagi ko iniisip pano kaya kayo ikaw mismo wala ka pkelam sa bahay laging nasa kwarto pag sinilip nakahiga lang pa fone fone ni mamalengke dimo nagawa. kaht pagod nako puyat galing gig rekta nako mamalengke tapos mag gogrocery ikaw gigising lang kakain nlang kulang nlang subuan ka.
“SANA bago nyo siraan c Jam sana nagbayad ka muna ng UTANG grabe bait mo sa tao pag my kaylangan ka. ok lang sana ako nlang siraan nyo wag na ibang tao kasi d naman sya kasali sa issue ng FAM para takpan kagaguhan nyong ginawa c jam sinangkalan nyo tlga?
“Wag mong siraan sa tao yung taong NEVER NAGSALITA pero Grabe magmalasakit sa Pamilya natin.
“Nagkamali ng isang beses yung tao pero nakita nyo naman na pinagsisihan nya yung ginawa nya… Alam ko na may mali din ako sa part ko lalo pag nakakainom at si jam sumasalo ng lahat ng yon. wag na tayo magmalinis dito hindi nyo naman ako iniwan dahil kay JAM wag nyo gamitin yung tao para kagatin yung post nyo.
“Sabihin na natin yung totoo iniwan nyo ko kasi my pang sarili kayong gusto na makuha at alam yan ng pangatlo natin kapatid na babae kaya nga bumalik sya dito sa bahay at nagsorry agad agad sakin dahil nakita nya tlga kung ano ang totoo!
“Hindi rin totoo na issue ang PERA dahil pag dating kay mama never akong pumalya sa allowance,gamot at check up nya alam ni mama yan at ALAM MO YAN! magpapakitaan paba tayo ng resibo? baka barya lang yang hundred thousand na sinasabi mo sa mga gastos ko sa magulang natin.
“Gurl never akong nanumbat at naningil sa inyo isa lang lagi kong sinasabi Mahalin alagaan nyo lang magulang natin masaya nako,” pahayag ni Jellie.
Dagdag pa niya, “Gusto nyong pagtakpan kagaguhan nyo na ginawa na nag EPIC? nung ni REALTALK ko kayo nagalit kayo. Wala na kayo mabato sakin? panay binugbog ni jam? UMAY!
“Nag trending nayan lastyr eh ibang issue naman. gawa kayo content nyo na kakagatin ng tao wag
nyo kami gamitin ang tahimik ng buhay namin focus kami sa mga negosyo namin. ang saya namin at super blessed kami ngayon.”
Sa isang bahagi pa ng kanyang post ay pinanindigan ni Jellie na hindi siya nagkulang sa kanyang pamilya, “Llmahat sinubo ko sayo una pinasok kita sa online casino kung nasan ako nilalagay kita. pinilit kita mag Dj para kumita ka sarili mo at may kasama nakong tumulong kila mama papa at para dika nakaasa sa papadala ng tatay ng anak mo.
“Bago moko siraan sa ibang tao, ngayon dimo ba naisip kung pano ka nabuo ngayon? hindi panunumbat to its just a simple reminder. sana kaht RESPETO nlang sa taong tumulong sa inyo. matanda na ate nyo nagawa ko nadin PART KO BILANG ANAK kung ano man desisyon ko gawin ko kasalanan kona yun dina ko BATA.
“Hindi perpekto ate nyo pero never ko kayo nilagay sa sitwasyon na alam kong ikakapahamak nyo. wag nyo sana akong ganituhin na para bang wala akong naitulong at sinakripisyo di ako ROBOT.
“Akala nyo wala lang sakin kasi never ako nagpakita sa inyo na mahina ako. This time hahayaan kona kayo pero nandto padin ako. yan ang hindi ko kaya tiisin pamilya ko pero ngayon si mama nlang ang FOCUS ko. matanda nadin ako gusto ko nlang sumaya after ng sakripisyo ko baka pede namang Isipin ko din kasiyahan ko.
“Matalino c lord kahit anong sira mo samin c lord na gagawa ng way para samin. Tuloy mo lang paninira mo at pagsend ng video na hindi naman ugat ng Problema.
“Nakakalungkot pero eto yung totoong katotohanan na nangyari sa pamilya ko masakit isipin na pinagpalit nila ako sa taong pangako lang ang binitawan sknila at kinalaban siniraan nila ang ate nila,” litanya pa ni Jellie Aw.
The post Jellie Aw ipinagtanggol si Jam Ignacio: Hindi totoong binugbog niya uli ako appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments