Elijah Alejo rumesbak sa panghaharas ng bastos na bashers: Women are not toys
NABASTUSAN at inalmahan ng Kapuso actress na si Elijah Alejo ang comments ng netizen sa kanyang mga selfie photos sa Facebook.
Nag-share si Elijah sa kanyang Facebook page ng ilang BTS o behind-the-scene photos mula sa shooting ng bago niyang pelikulang “She Who Must Not Be Named.”
Mababasa sa kanyang caption, “Selfies from my look test last year for #SheWhoMustNotBeNamed.”
Sa comments section, may mga bastos na netizens ang nag-post ng mahahalay at malalaswang salita patungkol sa itsura at katawan ni Elijah.
Nang mabasa ni Elijah ang mga nasabing komento ay inipon niya ito at ni-repost nitong nagdaang April 4 sa kanyang Facebook page.
Sinupalpal niya ang mga taong nagkomento ng mahahalay at kabastusang salita at pinagsabihang tigilan na ang panghaharas sa mga kababaihan o kahit kanino man.
“Women are not toys. Hindi kami laruan na pwede niyong pagtripan kung kailan niyo gusto. Hindi kami objects na pwedeng bastusin at tawagin pang ‘compliment.’
“2026 na pero may mga utak pa ring naiwan sa panahong akala nila okay lang ang pambabastos. Hindi pagiging confident o maganda ang problema. Hindi pagpo-post ng photos ang issue,” simulang pambebengga ni Elijah sa mga netizens.
Patuloy pa niya, “Kayo ang problema. Yung mindset na iniisip niyong may karapatan kayong mang-bastos.
“Just because you see a woman online does not mean you own a piece of her. Hindi ibig sabihin na visible kami, available na kami sa kabastusan niyo. Hindi ibig sabihin na nagpost kami, pumayag na kami.
“Respect is basic. Kung wala kayo nun, that says everything about you,” mensahe pa ng Kapuso actress.
Aniya pa, “So kung wala kayong kayang ibigay kundi bastos na salita, manahimik na lang kayo.
“Women will continue to exist, express themselves, and take up space kahit hindi niyo kayang rumespeto.
“At tandaan niyo, ang pambabastos ay hindi kailanman magiging compliment.”
The post Elijah Alejo rumesbak sa panghaharas ng bastos na bashers: Women are not toys appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments