Responsive Ad

Castro binarag uli si Imee: Sino ba ang nang-Hudas? Sino bang nanloko?

Castro binarag uli si Imee: Sino ba ang nang-Hudas? Sino bang nanloko?
Imee Marcos, Bongbong Marcos at Claire Castro

NIRESBAKAN uli ng kampo ni Pangulong Bongbong Marcos si Sen. Imee Marcos hinggil sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa maanomalyang flood control projects. 

Sinupalpal na naman ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro ang senadora matapos patutsadahan si PBBM.

Ayon kay Sen. Imee tila raw “na-Hudas” ang ginawang imbestigasyon ng ICI sa kontrobersyal at kuwestiyonableng flood control projects. 

Sa kanyang Facebook post noong April 1, nagkomento ang kapatid ng pangulo sa naging resulta ng pag-iimbestiga ng ICI sa Department of Public Works and Highways (DPWH), partikular na sa Bulacan.

“Nag-imbestiga? Nasaan ang ICI report? Na-April fools na, na-Hudas pa!” ang patama ng senadora.

Reaksyon naman ni Usec. Claire Castro, sino raw ba talaga ang nang-Hudas o nanloko sa sambayanang Pilipino. 

“Sino ba ang nang-Hudas? Sino ba ang nanloko?” ani Castro kasunod ng pagsasabing dapat daw ay pantay ang pagbatikos ng mga tulad ni Sen. Imee sa Marcos administration at sa mga nakaraang pangulo.

“Sana po kung ang isang tao ay talagang laban sa korapsyon sana consistent sa pagbatikos dito at pagpuna. Hindi lamang sa panahon ni Pangulong Marcos Jr., kundi sa nakaraang administrasyon,” saad ni Castro.

Aniya, nagsimula umano ang anomalya sa flood control projects ng DPWH noong 2020 na panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ibabalik natin sa kanila ‘yan. Ang ghost projects as early as 2020 na walang nangyaring malawakang pag-iimbestiga. Ang tanong natin, nag-ingay ba sila?

“Hindi ba ang Pangulong Marcos lamang noong 2025 ang siyang nag-utos na imbestigahan ang kalat na ito na mukhang namana pa ng nakaraang administrasyon,” sabi pa ni Castro.

“Tandaan natin, sinasaad din po sa Executive Order 94 na ang ICI ay dapat na magbigay ng kanilang accomplishment report. Sa ating pagkakaalam, nagbigay naman sila ng accomplishment report. 

“Siguro mas maganda kung makikita nila itong accomplishment report na ito para masabi naman silang may report ang ICI. 

“Pero kung ang detalye patungkol po rito, ito po ay nasa DOJ at nasa Ombudsman. Talagang naibigay sa mga investigating bodies na mag-iimbestiga patungkol po dito,” mariin pa niyang sabi.

The post Castro binarag uli si Imee: Sino ba ang nang-Hudas? Sino bang nanloko? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments