Responsive Ad

Higit 300 kabataan nagka-HIV dahil sa paulit-ulit na paggamit ng syringe

Higit 300 kabataan nagka-HIV dahil sa paulit-ulit na paggamit ng syringe

NAG-POSITIVE sa human immunodeficiency virus o HIV ang mahigit 331 kabataan dahil sa umano’y paulit-ulit na paggamit ng “syringe” sa isang medical facility sa Pakistan.

Batay sa mga report, nahawa ang mga na-confine na bata sa pagitan ng November, 2024 at October, 2025.

Nabatid sa resulta ng inisyal na imbestigasyon, ginamit umano ang mga syringe o hiringgilya sa “multi-dose vials” nang hindi bababa sa 10 beses. 

Base pa sa ulat, sa 331 kaso ng pagkahawa ng HIV, lampas kalahati sa mga ito ay nakuha umano ang sakit kaugnay ng paggamit ng isang “infected syringe.”

Lumabas pa sa pagsisiyasat, na ang isinagawang pag-inject sa mga biktima ay isinasagawa umano ng ilang medical staff nang hindi man lang gumagamit ng gloves.

Bukod dito hindi rin umano naisasaayos ang medical waste at iniiwan lamang basta-basta ang ilang kagamitan sa “non-sterile conditons.”

Kasunod ng paglabas ng ulat, mariing pinabulaanan ng naturang medical facility ang inilabas na resulta ng imbestigasyon.

The post Higit 300 kabataan nagka-HIV dahil sa paulit-ulit na paggamit ng syringe appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments