62-anyos na mister kinasuhan matapos ibugaw si misis sa 120 lalaki
PATUNG-PATONG na kaso ang haharapin ng isang 62-anyos na mister dahil sa pambubugaw umano sa kanyang sariling misis.
Base sa ulat, ibinaba ng Sweden court ang hatol na sampahan ng mga kasong aggravated pimping, walong bilang ng panggagahasa, at iba pang uri ng sexual violence.
Naaresto ang suspek sa hilagang bahagi ng Sweden matapos magsumbong sa otoridad ang biktima. Nananatiling nakakulong ang suspek habang dinidinig ang kaso.
Sa isinagawang imbestigasyon, aabot sa mahigit 120 lalaki ang sangkot sa ginawang pambubugaw ng suspek sa kanyang asawa.
Naganap umano ang mga ito mula August 11, 2022 hanggang October 21, 2025. Nakatakdang magsimula ang hearing sa mga kaso sa darating na April 13, 2026.
Matagal na panahon daw paulit-ulit na pinilit ng kinasuhang mister ang kanyang asawa na makipagtalik sa iba’t ibang lalaki kapalit ng pera.
Bukod dito, gumawa rin umano ng online advertisements, magbantay habang nagaganap ang mga sexual activities at utusan ang biktima na gumawa ng malalaswang content sa internet para dumami pa ang customer.
Pinagagamit din daw ng ilegal na droga ng suspek ang kanyang misis para gawin nito ang lahat ng mga inuutos sa kanya.
Nabatid din na bukod sa walong bilang ng panggagahasa, nahaharap din ang suspek sa apat na kasong attempted rape at apat na kaso ng pananakit.
The post 62-anyos na mister kinasuhan matapos ibugaw si misis sa 120 lalaki appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments