March 20 regular holiday para sa paggunita ng Eid’l Fitr –Palasyo

IDINEKLARA ni Pangulong Bongbong Marcos na regular holiday sa buong bansa ang Biyernes, March 20, bilang paggunita sa Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan ng mga Muslim.
Ang anunsyo ay ginawa matapos makiisa ang pangulo sa mga miyembro ng Muslim community at mga lider mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa ginanap na Grand Iftar sa Malacañang, ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na iniulat ng INQUIRER.
“The declaration recognizes the significance of Eid’l Fitr, which marks the end of the holy month of Ramadan, a period devoted to prayer, reflection, and fasting,” pahayag ni Castro.
“The Palace extends its greetings to the Muslim community in the Philippines and around the world as they prepare to celebrate Eid’l Fitr with their families and communities,” dagdag pa niya.
Baka Bet Mo: Save the date! Official list ng 2026 holidays, long weekends inilabas na
Sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, karaniwang nagsasama-sama ang mga Muslim kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan upang magdasal at makibahagi sa iba’t ibang kasiyahan.
Kabilang dito ang pagbisita sa mga kamag-anak, mga pagtitipon, at pagsusuot ng bagong damit bilang bahagi ng selebrasyon.
Nagbibigay din sila ng donasyon sa pamamagitan ng Zakat al-Fitr, kung saan ibinabahagi ang kanilang biyaya upang makasabay sa pagdiriwang ang mga kapos-palad at nangangailangan.
“Eid Mubarak!” ang karaniwang pagbati para sa mga nagdiriwang ng Eid’l Fitr.
The post March 20 regular holiday para sa paggunita ng Eid’l Fitr –Palasyo appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments